Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah Lahbati, may bagong proyekto sa labas ng GMA

PAGKATAPOS ng unos sa kanyang career, nagbabalik na ang dating sigla ni Sarah Lahbati.

Nakita namin si Sarah kasama ang kanyang BF na si Richard Gutierrez na nanood ng laro ng Ginebra at Rain or Shine sa PBA sa Araneta Coliseum noong Easter Sunday at tila nag-e-enjoy sila sa aksiyon sa court.

At sa pagiging sweet na sweet sa isa’t isa, masasabi natin na malaki ang naitulong ni Richard para maayos ni Sarah ang kanyang sigalot sa kanyang kontrata sa GMA Artists Center.

Matatandaang biglang umalis si Sarah para magbakasyon sa abroad at dahil dito, inihabla siya ng pangulo ng GMA Films na si Annette Gozon-Abrogar.

Ngunit nagdesisyon si Sarah na bumalik sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang showbiz career at pagkatapos na ayusin na ang kanyang problema sa management ng GMA ay nakabalik na siya sa trabaho.

Katunayan, kinompirma ni Sarah na nag-taping siya ng isang bagong made-for-TV-movie para sa TV5 kasama si Alice Dixson.

More Than Words ang titulo ng nasabing pelikulang handog ng Studio5 Originals at makakasama rin nina Sarah at Alice sina Ariel Rivera at Jackie Lou Blanco.

Ipalalabas ang nasabing telesine sa Mayo 11, Linggo, sa TV5 simula 9:15 p.m..

“It’s about a mother-and-daughter relationship. Tita Alice is my mom here,” say ni Sarah sa aming pakikipag-usap sa kanya. ”I’m grateful to GMA for letting me do this project and I’m also thankful to TV5 kasi first time ko na gumawa ako ng ganitong klaseng role. It’s a new and exciting experience for me.”

Tungkol sa kanyang relasyon kay Richard, sinabi ni Sarah na magandang pagkakataon para sa kanila na manood ng basketball para mag-relaks at mag-bonding.

Pagkatapos ng telesine sa TV5 ay gagawa si Sarah ng bagong teleserye sa GMA ngunit habang wala pang senyales upang mag-taping ay mapapanood muna siya sa tuwing Linggo ng tanghali.

ni  James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …