Monday , December 23 2024

P.5-M shabu kompiskado sa 3 katao

ARESTADO sa buy-bust operation ang tatlo kataona nakompiskahan ng 65 piraso plastic sachet ng shabu, iba’t ibang uri ng bala at isang bala ng 50 ka-libreng barilsa Marikina City.

Kinilala ni Supt. Vincent Calanoga  ang mga nadakip na sina Ian Lawrence Merdedia, 18; Amino Malaatao Abdul, 26; at Amila Afuan, 30; mga tubong Marawi City at nakatira sa Blk-45 Mais St., Brgy., Tumana, ng lungsod.

Sa ulat ni S/Insp. Glenn Aculana, ng Station-Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group (SAIDSOTG), dakong 9:30 a.m. nagsagawa ng ope-rasyon laban sa mga suspek at nagpanggap na adik ang isa sa mga tauhan sa Blk. 45 Mais St., Tumana.

Aktong  iniaabot ng isa sa mga suspek  ang shabu na nagkakahalaga ng P2,000  nang naglabasan  ang mga operatiba saka mabilis na hinuli ang mga suspek.

Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang 65 piraso ng plastic sachet ng shabu na tinatayang  may street value na P.5 milyon.

Nakuha rin sa mga suspek ang isang kal. 45 baril, mga bala ng cal.22, cal. 38, 9mm at isang bala ng 50-kaliber.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Sect. 12 at 15 ng Republic Act  9165 at Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions). (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *