Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI, itinangging sumuko sina Cedric Lee at Zimmer Raz

ni  Nonie V. Nicasio

PINABULAANAN ng NBI ang naging pahayag nina Cedric Lee at Simeon “Zimmer” Raz, Jr.,  na kusa silang sumuko sa NBI, gaya ng mga lumabas na ulat sa pahayagan. Sa panayam ng ABS-CBN kay Cedric, sinabi niyang kusa ang pagsuko nila sa NBI agents at hindi rin daw sila nagtatago.

Sinabi pa niyang nagtungo sila sa Samar dahil may mga bagay daw silang inaasikaso roon. Nag-swimming pa raw ang dalawa sa bahay na kanilang tinuluyan na malapit lang sa kampo ng PNP.

Subalit sa official statement ng NBI, sinabi ritong inaresto nila ang dalawa at hindi sila sumuko. Taliwas ito sa mga sinabi ni Cedric na tinawagan pa raw niya sa telepono ang isang NBI agent para sa kanilang pagsuko.

Sa isang radio interview naman kay Justice Secretary Leila de Lima matapos mahuli sina Lee at Raz, sinabi niyang nadakip ang dalawa bandang 11:15 ng umaga. Ayon pa sa Justice Secretary, nagtangka pang tumakas ang dalawa kagabi, April 25. Subalit pinalibutan daw ng mga awtoridad ang lugar kaya ultimately ay nag-surrender sina Cedric at Zimmer.

Nasakote ang dalawa sa Oras, Eastern Samar last April 26 ng pinagsamang puwersa ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Kapwa aksusado ang dalawa sa celebrated case ng pambubugbog sa comedian/TV host na si Vhong Navarro na naganap noong January 22, 2014 sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig.

Arestado sina Cedric at Zimmer sa kasong serious illegal detention, isa itong non-bailable offense. Kasalukyan silang nakakulong sa NBI Headquarters sa Manila, subalit maaaring pansamantala lamang daw ito.

Nakangiti pa ang dalawa nang makunan ng media habang nakaposas at bitbit ng mga operatibang nakahuli sa kanila. Subalit sa kanilang mug shots, kapwa seryoso na ang mukha nina Cedric at Zimmer.

Ang iba pang kasama ng dalawa na wanted ngayon at pinaghahanap ng batas sa katulad na kaso rin ay sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Sajed “Jed” Fernandez Abuhijleh.

Samantala, pinasalamatan naman ni Vhong ang lahat ng naging instrumental sa pagkakaaresto nina Cedric at Zimmer. Sa kanilang programang It’s Showtime sa ABS CBN, nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat ang komedyante noong Sabado, April 25, 2014.

“Gusto ko rin pong idugtong na maraming salamat po kay Secretary De Lima, sa mga taga-DOJ, kay Sir Tony Calvento, sa NBI po, sa mga (taga)PNP at sa lahat ng mga nagbantay din po sa Eastern Samar, maraming-maraming salamat po sa inyo.”

Sa panig naman ng counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, sinabi niyang sa pagkakahuli kina Cedric at Zimmer ay inaasahan niyang magsisimula nang gumulong ang hustisya para sa kanyang kliyente. Umaasa rin daw siya na very soon ay mahuhuli na ang iba pang mga akusado sa kasong ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …