Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makabangon pa kaya si Mar Roxas?

MUKHANG sobra talaga ang inaabot na kamalasan nitong si DILG boss Mar Roxas.

Sunod-sunod kasi ang kapalpakan niya sa madla na nagiging dahilan para lalo siyang mabaon sa kumunoy ng pagbagsak ng kanyang karerang politikal.

Maging ang Liberal Party (LP) na kanyang partido ay nag-iisip na rin ng mga bagong pamamaraan para maibangon si Roxas dahil alam nilang kakain ng alikabok kay VP Jojo Binay, na nagiging consistent sa pagiging number one presidentiable sa 2016.

Malinaw naman kasi na maganda ang diskarteng ginagawa ng grupong Binay at diyan daig ang Roxas group dahil magaling magdala at maglaro ang grupo ng mamang maitim na taga-Makati.

Kung may ibinabato mang negatibong issues kay Binay ay puro lamang ito inulit kaya’t dehins na kinakagat ng publiko samantala si Roxas na ginagawa ang lahat para kagatin lamang siya ng masang mamboboto ay mukha namang walang ginagawang tama sa mata ni Juan dela Cruz.

Lahat na yata ng pwedeng ibigay na exposure kay Roxas ay ibinigay na ni PNoy pero sadyang mabagsik lamang ang tadhana dahil imbes maging pogi points ito ni Roxas ay talaga lang naman lalong sumasadsad.

Nagsimula sa diskarte nito sa Yolanda, pagkakasangkot nito sa pagbili ng train sa MRT at ang pinakahuli ang umano’y pagwawala sa isang golf course.

Sa pinakahuling insidente sa golf course, nilibak daw ang mga tauhan ng Wack-wack golf and country club, na lalong nagpatingkad sa kanyang pagkatao bilang isang ilustrado na isang anti-mahirap.

Sangkatutak na himala at buenas ang kailangan ngayon ni Roxas at iyan ang dasal ngayon ng kanyang LP dahil mukhang kinakapos na sila sa oras para makuhang muli ang simpatiya ng publiko.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …