Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laliman ang imbestigasyon sa basura mula Canada

DAPAT mayroon nang managot sa loob ng customs sa pagkaabala ng pagdidispatsa sa 60 container load ng mga basura mula Canada na dumating sa MICP noon pang Oktubre 2013.

Dapat hindi lang ipilit ng Bureau ang pagpapabalik nito sa Canada pero  mukhang malabo nang mangyari.

Bakit?

Una, sino ang gagastos ng pagpapabalik nito sa Canada at tila hindi naman kumikibo rito ang pamahalaan ng Canada.

Mga toxic hospital wastes ang ipinarating dito ng isang syndicate na may mga kasabwat sa Bureau of Customs.

Ang balita, ibinayad ng P120,000 bawat container ang mga basura at ang sumalo sa atin bilang consignee ay isang Tsinoy na pinuno raw ng isang bayan sa Bikol. Si Tsinoy “consignee” ipinasa  naman sa isang John Paul T, na nagmula sa angkan ng ma batikang player (technical smuggler).

Misdeclare ang ginawa sa mga basura bilang “plastics scrap.” Kanino naman kayang trade name ang ginamit na company para maipasok sa customs, sa MICP daw.

Marahil may nagtimbre kay Capt. Paul Gitona, assistant chief ng Customs environmental protection unit (EPU) ng MICP. Simula’t simula pa lang tinututulan na raw ni Capt. Gitona dahil nga sa nilalaman ng 60 container loads ay garbage.

Aabot sa P5-million ang ibinayad dito kay Mayor ng Bikol at magkano naman kaya ipinasa kay John Paul T. ang bawat basura? Marahil malaki rin.

Two years ago, dito sa P0M sa Aduana, ito rin

mayor na nasabi ang umano may sikat na restaurant sa M0A sa  Macapagal Avenue, Pasay City ang may-ari ng mga puslit na Peking duck na misderclared din.

Hoy, Mayor ang tinik mo pala. Tila front lang ang iyong M0A resto, Mayor.

Kung umpisa pa lang tinututulan ni Capt. Gitona ang mga basura bakit daw tila tinulugan ng MICP Law Divisionon na aksyonan ito. Ang naging action lang daw noong una ng law division, ipa-seizure lang dahil  mukhang may katas lang hindi toxic, ang recommendation ni Gitona ay WSD or warrant of seizure and detention. Baka ordinary lang ba mga taga-MICP Law divisioin. Kung WSD sna ang inisyu sa pamamagitan ng law division papunta sa Office of the Commissioner (noon si Commissioner Biazon pa ang hepe) ‘e ‘di na sana lumaki ang problema n Bureau. Noon pa lang sana ay nai-ship back na ang ang basura.

Isipin na lang na tumagal ng pitong buwan hindi pa rin nadesisyonan ng final? Ang sabi ng Bureau mas magastos kung ipalilibing dito o ‘di kaya ay ipu-fumigate. Walang budget ang Bureau para rito.

Malaking tulong ang magagawa ni Capt. Gitona na noon ay assistanmt chief ng MICP Envrionment Protection Unit (EPU) sa paglutas ng nasabing basura. Bakit halimbawa pinatagal sa MICP law division samantala mayroon nang recommendation si Gitona na mag-isyu ng WSD? Bakit nga ba mga taga-law division naging hesitant kayo na i-consider iyong WSD at sa halip may initial decision kayo na may tagas lang iyong basura. Magkano kaya, ay mali tayo, papaano nga kayang pinatagal ang mga basurang ito. Ito ba iyong John Paul na mula sa angkan ng mga player na ngyon ay mayroong P50-million mansion sa Tagaytay City.

Si Bikol mayor, may mga shipment na siyang napaghuli pero hindi pa rin mapilay.

Anyway, congratulations kina Capt. Gitona ng MICP EPU. Ito ang dapat alamin ni Commissioner at ng kanyang dalawang duty commissioners.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …