NAKAHARAP ni US Defense Secretary Chuck Hagel sa unang pagkakataon ang pamosong life-size robot na katulad din ng bantog na robot sa pelikulang Terminator—ito ang latest experiment ng mga hi-tech researcher sa Pentagon—ngunit hindi tulad ng cinematic version, ang binansagang Atlas robot ay idinisenyo hindi para maging mandirigma kundi bilang kauna-unahang humanitarian machine na sasagip sa mga biktima ng natural na kalamidad.
Ang 6-talampakaan-at-2-pulgadang (187 sentimetro) robot ay isa sa kalahok ng patimpalak na may layuning makalikha ng life-saver machine na kawangis ng tao, ang brainchild ng Defense Advanced Research Projects Agency (DARPA).
Iri-require sa kompetisyon na mag-navigate ang mga robot sa masusukal na lugar at pumasok sa mga gusali. Naisip na lumikha ng ganitong uri ng robot makaraan ang Fukushima quake sa Japan at ang mga sumunod na kalamidad sanhi ng tsunami.
Ipinagmalaki ng DARPA, ang research arm ng Pentagon na kilala sa mga futuristic project nito, ang Atlas robot kay Hagel, pero liban sa LED lighting, itinanghal ito na naka-switch off bilang ‘static’ display.
Mechanical hand na tumutugon sa brain impulse at isa rin prosthetic arm na kontrolado ng mga pagkilos ng paa.
Isang nasugatang beterano na minsang nakatrabaho ni Hagel noong 1980s ang nag-demonstrate ng isa sa mga aparato, at nagbigay pa ng ‘thumbs up’ sa hepe ng Pentagon gamit ang kaliwa niyang prosthetic arm.
“Ito ang unang beses sa 45 taon na nagamit ko ang aking kaliwang kamay,” ani Fred Downs. Naputulan ng kamay si Down matapos masabugan ng landmine noong Vietnam war.
Kinalap ni Tracy Cabrera