Friday , November 15 2024

Karnaper tiklo sa Bulacan

NAARESTO ang isang miyembro ng carnapping group na kumikilos sa Bulacan nang sitahin dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria ng nasabing lalawigan kamakalawa.

Ang suspek na si Joseph Nicolas, 24, residente ng Garden Village sa Brgy. Pulong Buhangin sa nabanggit na bayan, may nakabinbing kaso ng carnapping sa sala ni Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng RTC Branch 19 sa Malolos City.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 p.m. nang parahin ng mga awtoridad si Nicolas dahil sa paglabag sa “no helmet-no ride policy” ngunit imbes huminto ay nilagpasan ang checkpoint kaya hinabol ng mobile patrol.

Nang maabutan ay natuklasan ng mga awtoridad na walang kaukulang papeles ang motorsiklo at sa imbestigasyon ay nabatid na kabilang sa mga pinaghahanap ng batas ang suspek. (DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *