Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kalinga mayor binoga sa asong nasagasaan

042814_FRONT

SUGATAN ang isang municipal mayor makaraan barilin ng may-ari ng aso na nasagasaan ng kanyang sasakyan kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat ng Kalinga Police.

Si Mayor James Edduba ng Pasil, Kalinga, ay binaril ng hindi nakilalang suspek sa Sitio Pinagan, Brgy. Lucog, Tabuk, City.

Isinugod si Edduba sa pagamutan at ngayon ay stable na ang kalagayan.

Ayon sa pulisya, maaaring nagalit ang may-ari ng aso kay Edduba makaraan masagasaan ng alkalde ang alagang hayop.

“Initial investigation by Kalinga police reveals that the Mayor and company were on board a Ford Pick Up Truck going towards Tabuk City when they accidentally hit a dog at the side of the road (which then) prompted the suspect to shoot the victim,” pahayag ni Senior Supt. Victor Wanchakan, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office.

Kasalukuyan nang ina-alam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.

ni BETH JULIAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …