Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Prats, excited sa pagbabalik ng PBB

 ni  Rommel Placente

NAGBABALIK sa ere ang Pinoy Big Brother. At sa bagong season nito ang magiging title ayPinoy Big Brother All In.  Ang mga host pa rin dito ay sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, John Prats, at Robi Domingo. Idinagdag na rin sa kanila ang nakababatang kapatid ni Toni na siAlex Gonzaga.

Sa presscon ng nasabing reality show ay ipinaliwanag ni John kung bakit PBB All In ang title ng bagong season nito.

“Kaya po tinawag na ‘PBB All In’ kasi first time po na mangyayari na magsasama ang adult pati ang teen-agers sa Bahay ni  Kuya. Kaya masisiguro po namin na very exciting itong edition na ito ng ‘Pinoy Big Brother’” sabi ni John.

Ano ang naging reaksiyon niya noong malamang muling magbabalik sa ere ang PBB?

“Sobrang excited kasi nag-enjoy ako noong teen editon (2012), ‘yung may ‘Uber’ kami. ‘Yung kaba kapag eviction at saka nomination ‘yun  ‘yung mga nakaka-miss.

“And this time, ‘di ba siyempre kasama na namin si Alex? I’m sure nai-excite ako sa bagong kakulitan namin at ‘yung kulitan namin every afternoon for ‘Uber’ na nagbabalik din.

“At saka ayun nakaka-miss din kasi ‘yung sa Twitter na minsan ‘yung mga televiewer nagtu-tweet sila, nagagalit sila sa amin,”ang natatawang sabi pa ni John.

Ano naman ang naging reaksiyon din ni Robi sa pagbabalik sa ere ng PBB?

“Ako I feel like I’m going back home literally at saka figuratively. Kasi ang sarap palang bumalik sa Bahay Ni Kuya.

“Noong una akala ko magiging unexpected out of place ako kasi you got the great Toni Gonzaga, you got Bianca Gonzales, John Prats eh, after sometime, nag-jell ‘yung relationship tapos nasabi ko na ‘Uy, I’m part of this family,’  Kaya happy ako rito lalong-lalo na Alex is coming in. So very very excited kami sa season ng ‘PBB’ ngayon.”

Saksihan ang pagsisimula ng Pinoy Big Brother All In at kilalanin ang pinakabagong housemates nito ngayong Linggo (Abril 27) ng gabi, live sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, sundan lang ang @PBBabscbn sa Twitter, o i-like facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn. I-post ang reaksiyon online gamit ang hashtag na #PBBALLIN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …