Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart at Carla, kahanga-hanga ang flawless na pag-i-Ingles

ni  Ronnie Carrasco III

HANGANG-HANGA ang mga Inglisero naming kaibigan sa natutukan nilang interview ni Heart Evangelista sa Startalk (April 13) kay Carla Abellana.

In her segment Heart of the Matter, ang episode na ‘yon ay naka-focus on what “mattered” to the “heart” of Carla na umaming break na nga sila ng kanyang long-time boyfriend na si Geoff Eigenmann.

But more than Carla’s confession, our Ingliserong friends particularly took note kung gaano kahusay ang dalawang hitad sa wikang banyaga.

Heart may have been fed with questions written on the board, pero as always ay mayroon siyang sariling input o adlib. Napaka-spontaneous din ni Carla, na sa kabila ng kanyang madamdaming rebelasyon ay flawless ang kanyang pag-i-Ingles.

Truth is, bukod kina Heart at Carla sa hanay ng mga Kapuso star ay isa rin si Bela Padilla sa mga matatas pagdating sa pagsasalita ng wikang Ingles. Sayang nga lang at nasa TV5 na si Bianca King, she, too, is just as fluent.

Katuwaan tuloy ng aming mga kaibigang Inglisero: sino-sino raw ba sa mga artistang babae sa ABS-CBN ang puwedeng ipantapat kina Heart, Carla, at Bela sa departamentong ito?

Anne Curtis? Check. Julia Barretto? Check. But both are much younger. As we write now, wala na kaming iba pang maisip.

Lest we be accused na ang pamantayan namin sa pagiging matalino ay sa pamamagitan lang ng pag-i-Ingles, hindi ito ang sukatan.

But let’s face it, isang napakalaking bentahe ang pagsasalita ng itinuturing nating ikalawang lengguwahe. As if naman na kapag nag-a-apply ka ng anumang trabaho ay Tagalog ang karaniwang itinatanong sa aplikante ng kinatawan ng departamentong human resources o personnel.

Na karaniwang nagtapos ng kursong (Industrial) Psychology.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …