MAY powerful energy connection sa pagitan ng tatlong feng shui areas sa inyong bahay na konektado sa inyong kagalingan: ang bedroom, bathroom at kitchen.
Ang feng shui trinity na ito ay kailangan na maaruga nang maayos, dahil ang inyong kalusugan ay nakakonekta rito sa napakalalim na level.
Isipin kung paano n’yo sinisimulan at paano tinatapos ang inyong araw, at kung gaano karaming beses kayo naglakad sa pathway na ito: sa paggising sa umaga sa bedroom, sa pagtungo sa banyo, pag-almusal sa kusina, at pag-alis ng bahay.
Ganito rin ang pathway, ngunit sa magkaibang order, ang nangyayari sa pagtatapos ng maghapon. Sa banayad, ngunit powerful feng shui way, ang unang bagay na inyong makikita at mararanasan sa inyong paggising, ang bubuo sa enerhiya ng araw para sa inyo.
Mahalagang maaruga ang inyong sarili at pagtuunan ng pansin ang maliliit na feng shui details upang matiyak na maeenkwentro ang higit na supportive energy sa buong araw.
Sa pamamagitan ng pagkabit ng dimmer switch sa bathroom upang makontrol ang level ng liwanag, hanggang sa pagpapanatiling malinis at maaliwalas ang kusina, at sa paghahatid ng enerhiya sa inyong katawan – anong feng shui changes ang inyong magagawa sa inyong home feng shui trinity ngayong araw?
Lady Choi