ni Ronnie Carrasco III
BIYERNES SANTO nang ipalabas sa GMA ang The Joyce Tan-Chi Mendoza Story, kuwento ng noo’y 15-anyos pa lang na mag-aaral na ang bahay ay nilooban ng ilang suspek na siya ring halinhinang gumahasa sa kanya sa iba’t ibang bahagi ng kanilang tirahan.
We could not help but relate Joyce’rape story sa kaso ni Deniece Cornejo who peddles the same tale of suffering(?) in the hands of her alleged rapist na si Vhong Navarro in two separate instances.
Deniece, by the way, bailed herself at a Taguig City court nitong Miyerkoles Santo sa kasong grave coercion na isinampa ni Vhong laban sa kanyang grupo, for which she had to pay P12,000. Pero noong araw na ‘yon ay ipinagpipilitan pa rin ni Deniece that Vhong violated her right twice.
Back to Joyce’s story, mangiyak-ngiyak pa rin niyang sinariwa ang pangyayaring ‘yon habang wala ang kanyang mga magulang na nasa isang Bible study. Maging ang kanyang mga kapatid at dalawang bumisitang female friends were tied, bukod tanging siya lang ang ginahasa.
Joyce’s version of her ordeal had a re-enactment interspersed with the interviews of her parents.
Pero sa kaso ni Deniece, nasaan ang kanyang mga magulang when all this unfortunate incident kuno happened? Nainterbyu nga ang kanyang ama, pero minsan lang ‘yon at recorded phone interview pa. Deniece’s mom wouldn’t go on camera.
All this time ay laging ang lola ng hitad na si Ginang Florencia ang atat na atat humarap sa media.
Had Deniece chosen to reflect nitong Good Friday, at kung ang isang paraan ay nakapanood siya ng mga palabas sa TV, sana’y natisod niya ang kuwento ni Joyce.
Had she watched it, tiyak na kinapulutan niya ‘yon ng aral lalo’t nalalapit na siyang masukol kasama ang kanyang mga kasabwat.