Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla Abellana masyadong materyosa? (Kaya hiniwalayan ng bf na si Geoff Eigenmann)

ni  Peter Ledesma

MAY naglalabasang chika, na kaya raw tuluyan nang nawalan ng gana si Geoff Eigenmann sa ilang years nang girlfriend na si Carla Abellana ay dahil bukod sa sumpungera ‘e maldita at materialistic pa?

Yes, madalas raw insultuhin ni Carla si Geoff na minemenos ang pagkatao ng actor na wala raw pangarap sa buhay. Minsan sa pagtatalo ng dalawa ay tinanong pa raw ni Carla ang nobyo kung ano na ang investment niya? Nang sagutin siya na nasa banko ang kanyang mga pera, agad raw ipinagmalaki ng actress ang kanyang naipundar na property sa Tagaytay.

Well, hindi na pala dapat pagtakhan kung bakit galit si Direk Gina Alajar sa Kapuso actress. Grabe pala kung maliitin ang kanyang binata. Para sa amin kung totoo man na ganito tratuhin ni Carla si Geoff ay maling-mali siya dahil ang dala-

wang taong nagmamahalan ay hindi nagpapatabugan kung sino ang mas meron sa kanila o wala. Dapat, pala rito kay Carla ay makapag-asawa ng mayaman at sabi ‘yan rin daw ang gustong mangyari sa kanya ng kanyang Lola Delia Razon na kinutya rin noon ang ama ng apo na si Rey PJ Abellana.

By the way, nangangamoy flop na naman pala ang pelilkula ng actress at ni Tom Rodriguez sa Regal Films na wholesome raw ang movie. Sino naman kaya ang manonood sa kanila. Baka si Mother Lily Monteverde at ang publicist niyang si Jun Nardo, na namimili ng iimbitahan, ang manoood lang nito.

I’m telling the truth lang gyud!

DALAWANG ANAK NG EX CELEBRITY NA SI MALOU TODA, CHAMPION SA SNOWBOARD AT PAREHONG SIKAT SA JAPAN

Naalala n’yo ba ang magkapatid na Malou at Beth Sandoval, na mga paboritong i-guest noon ng namayapang si Joe Quirino sa kanyang top-rating show sa nangungunang IBC 13 na Seing Stars With Joe Quirino?

Sa mga fans ni Beth na hindi pa aware ay kinuha na ni Lord ang dancer-actress during 80s na naging favorite leading-lady ng shortest adult actor ng industriya na si Weng Weng. Ito namang si Malou Sandoval na Malou Toda na ngayon kaysa mag-stay sa showbiz ay mas pinili niyang i-grab ang magagandang oppurtunities na naghihintay sa kanya sa bansang Japan. Hindi naman siya nabigo dahil ngayon ay pabulosa na ang buhay niya sa Japan kapiling ang kanyang mabait at very supportive na Japanese husband at tatlong anak kabilang na ang artistahin at pwedeng maging ramp-model at product endorser na si Maiko Toda at sina Masaki at Masato Toda na mga champion sa larong Snowboard at parehong popular sa buong Japan.

Every month ay laging naka-feature sa iba’t ibang Magazine ang nasabing mga personalidad. S’yempre very proud si Malou sa kanyang mga kids lalo na sa achievements nila. Para mas lalo pa kayong maging aware at makilala ninyo nang husto sina Masato at Masaki especially sa mahihilig sa nasabing sports ay panoorin sila sa Youtube. Ang daughter naman ni Malou na si Maiko maganda rin ang career sa Japan at nagjo-join rin siya sa mga fashion show roon. Hindi rin imposible na in the future ay sundan ni Maiko ang yapak ng kanyang Mom at Tita Beth sa showbiz. Why not? E, may looks naman ang dalaga at sexy na maganda pa ang height.

ISABELLA DAZA AT JOSE MANALO BEST ACTRESS AT BEST ACTOR SA 1ST EB DABARKADS AWARDS

Dahil sa kanilang taunang Lenten Drama Specials, ay nagtatag na rin ng kanilang sariling award giving body ang number 1 and longest-running noontime variety show sa Local TV na Eat Bulaga na tinawag o pinangalanan nilang EB Dabarkads Awards. Para sa kanilang unang taon ng pagbibigay ng parangal sa mga EB Host na nagsiganap sa iba’t ibang episode ay kumuha talaga ang Tape Incorporated ng mga kilalang jurors sa acting  para sila ang buboto kung sino-sino ang  mga deserving na magwawagi ng awards?

S’yempre credible ito dahil may mga juror na pinanood talaga ang acting ng bawat EB Dabarkads. Narito ang  kompletong listahan ng mga nanalo. Para sa  Best Supporting Role wagi si Dabarkads Wally para sa mahusay na pagganap sa episode na Anyo ng Pag-ibig; at si Ryzza Mae Dizon para sa Best Child Performerpara sa kauna-unang drama appearance saPangalawang Bukas na itinanghal rin na Best Storyat Jose Manalo bilang Best Actor. At ang pinaka-surprising sa lahat at big revelation ay itong siIsabelle Daza na nanalong Best Actress na for us ay deserving naman talaga dahil sa galing ng portrayal sa Ilaw Sa Kahapon.

Nakasama ni Isabelle sa episode na ito ang mahusay rin na Kapuso actor na si Dennis Trillo. Hindi lang tinututukan ng milyon-milyong viewers ang EB Lenten Specials kundi dinumog pa ang Special Advance Screening nito sa iba’t ibang Unibersidad.

To all the winners, ang aming pagbati at pagsaludo sa inyong husay at galing gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …