Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Air21, Blackwater sasabak sa Dubai

KINOMPIRMA ni Air21 head coach Franz Pumaren kahapon na lalaro ang kanyang koponan sa 2014 Dubai Invitationals na gagawin mula Agosto 20 hanggang 27 sa Dubai, United Arab Emirates.

Makakalaban ng Express ang iba pang mga club teams mula sa Malaysia, China, South Korea, Japan, Lebanon at India.

“This will be an integral part of our preparation (for next season). We know the caliber of teams from Asia, so it will be a good test for us as we can look forward to better campaign in PBA’s 40th season,” wika ni Pumaren.

Bukod sa Air21,  kasali rin sa torneo sa Dubai ang Blackwater Sports na inaasahang gagamitin ang torneo bilang paghahanda sa una nilang pagsabak sa bagong PBA season na magbubukas sa Oktubre.

“Syempre two important reasons, proper training for our players, as you all know, papasok na kami sa PBA. And number two which is most important: that is to give back to our kababayans there,” ani Blackwater team owner Dioceldo Sy.

“We should find ways rin to make our ‘bagong bayani’ happy kasi alam natin ang contributions nila sa ating economy. Malaking bagay rin siyempre na mabigyan natin sila ng kasiyahan.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …