Saturday , November 16 2024

6-anyos totoy todas sa taga, martilyo ni tatay (Nanay kritikal)

LAOAG CITY – Hindi na umabot nang buhay sa Bangui District Hospital ang 6-anyos batang lalaki habang kritikal ang kanyang ina makaraan pagtatagain at hatawin ng martilyo ng kanyang ama.

Kinilala ang biktimang namatay na si Lemuel Pacheco, kindergarten pupil, habang malubha ang kalagayan ng kanyang ina na si Mary Anne Pacheco, nilalapatan ng lunas sa Gov. Roque Ablan, Sr., Memorial Hospital.

Sugatan din ang suspek na si Junie Pacheco, residente ng Brgy. San Lorenzo sa bayan ng Bangui sa Ilocos Norte, makaraan hatawin din ng martilyo ang kanyang ulo.

Ayon sa ina ng suspek na si Jovita Castro, nakita niya ang pagtaga ng kanyang anak sa leeg ng paslit at pagmartilyo ng suspek sa sariling ulo.

Dagdag ni Castro, nakita na lamang niyang duguan din ang ulo ng kanyang manugang na si Mary Anne.

Ngunit wala aniya siyang alam na dahilan upang gawin ng kanyang anak ang malagim na krimen.

Binabantayan ng mga pulis ang suspek habang ginagamot  sa  ospital  upang hindi na makagawa pa ng krimen.

(KARLA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *