Friday , November 15 2024

3 Pinoy nurses sa Saudi positibo sa MERS-CoV

TATLONG Filipino nurses ang panibagong biktima ng Midde East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Ang tatlong Filipino ay kinabibilangan ng 28-anyos babaeng nurse na nagtatrabaho sa Dr. Sulaiman Al-Habib Hospital sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ngunit hindi siya nakitaan ng ano mang sintomas ng virus.

Ang dalawa pang Filipino na nagpositibo rin sa MERS-CoV ay kapwa nagtatrabaho sa Al-Noor Hospital sa Makkah.

Ang isa sa kanila ay 40-anyos babae na nagkaroon ng contact sa pasyente na nakapitan ng virus ngunit hindi rin nakitaan ng ano mang sintomas.

Habang nagkaroon ng mild respiratory symptoms ang 30-anyos Filipino nurse na nakuha ang virus sa pasyenteng nagpositibo sa MERS, ngunit ngayon ay stable na ang kalusugan.

Kabilang ang tatlong Filipino sa 14 bagong kaso ng MERS-CoV na naitala sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi Ministry of Health, umaabot na sa 92 ang namatay sa coronavirus sa nasabing bansa.

Sa kabila nang patuloy na pagdami ng kaso, tiniyak ng Saudi government na hindi pa nagiging epidemya ang naturang sakit.

Nag-alok ang World Health Organization ng pagpapadala ng mga eksperto sa Saudi upang mag-imbestiga sa “evolving risk” ng pagkalat ng virus.

(LAYANA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *