SAMPUNG overseas Filipino workers (OFWs) ang pinahihirapan sa bansang Malaysia na nagpapatulong sa pamahalaan.
Siniguro ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA-10) na bibigyang tulong ang mga OFW para makauwi sa Northern Mindanao na ilegal na nakapasok at nagtrabaho sa Malaysia.
Dumulog ang pamil-ya ng mga OFW sa ahensiya upang magpatulong dahil nasa panganib ang kanilang mga mahal sa buhay sa Malaysia.
Ayon sa OWWA, bagama’t illegal entry ang ginawa ng mga kababayan, kanila nang ipinagbigay alam sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Overseas Workers Welfare Administration-Malaysia ang sitwasyon ng OFWs.
Sa ulat, sinasaktan ng Malaysian authorities ang OFWs dahil sa ilegal na pagpasok sa kanilang bansa para sa trabahong P18,000 hanggang P25, 000 ang sweldo.
(JAJA GARCIA)