Tuesday , April 15 2025

Cedric Lee 1 pa, timbog sa Samar

042714_FRONT

ARESTADO  sa  National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee at ang co-accused na si Simeon Palma Raz, iniulat kahapon ng umaga.

Kasama ng NBI na dumakip sa dalawa ay ang mga elemento ng lokal na  pulisya  sa isang barangay sa Oras Eastern Samar, dakong 11:15 a.m. kahapon.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang dalawang akusado ay ibibiyahe sa punong tanggapan ng NBI sa Maynila, mananatili sa kustodiya ng NBI at hihintayin ang commitment order mula sa korte na mayroong hurisdiksiyon sa kaso.

Ang dalawa  ay kasama sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paz Esperanza M. Cortes ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branh 27 sa kasong serious illegal detention na walang kaukulang piyansa.

Kabilang din sa ipinadarakip ni Judge Cortes ang  modelong si Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Sajed Fernandez Abuhijleh alias “Jed Fernandez.”

Ani De Lima,  noon pang Biyernes natunton ng NBI  sina Lee at Raz nang makita  sila sa ilang lugar sa Bicol pero  lubhang mailap ang dalawa na nagpapalipat-lipat ng lugar hanggang matunton sa Samar.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *