Mahigit 90 delegasyon mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang dadalo sa magkasabay na kanonisasyon ng mga dating Santo Papa na sina John Paul II at John XXIII.
Kasama sa 90 ito ang 24 heads of state at royalty na sasaksi sa paghirang sa dalawang dating lider ng Simbahang Katolika bilang mga santo.
Walang anunsyo ang Malakanyang kung dadalo si Pangulong Noynoy Aquino sa seremonya sa Vatican lalo’t nataon na sa isang araw matapos ang kanonisasyon ay ang pagdating ni US President Barack Obama sa Filipinas.
Matatandaang kailanman ay hindi pa dumalo sa anumang seremonya sa Vatican ang Pangulo gaya nang kanonisasyon ng ikalawang Filipinong Santo na si Pedro Calungsod at ang consistory nang hiranging kardinal si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle.
Samantala, dadalo rin sa Misa ng Kanonisasyon ang mga kinatawan ng iba’t ibang relihiyon gaya ng Orthodox Church, Anglican Church, Judaism, at Islam.
Makakasama ni Pope Francis sa misa konselebrasyon ang nasa 150 kardinal at mahigit 1,000 obispo.
Samantala, kompirmadong dadalo sa kanonisasyon si Pope Emeritus Benedict XVI.
RELICS NI BLESSED JOHN XXIII INILIBOT SA BANSA
Inililibot sa bansa ang relics ni Blessed John XXIII, ang dating Santo Papa na kasabay na magiging santo ni Blessed John Paul II ngayong Linggo.
Kabilang sa relics ang piraso ng funeral cassock na suot ng Papa nang ilibing ito noong 1963 at isa sa mga commemorative medal na ipinamahagi nito noon bilang souvenir sa mga dumalo sa Second Vatican Council (Vatican II).
Ayon kay event coordinator Br. Dave Dela Cruz, layunin ng relic tour na mapaigting ang debosyon ng mga Katoliko sa tinaguriang “Good Pope.”
“While it is common knowledge that we Filipinos have a bias towards Pope John Paul II who will also be canonized with him, as Catholics it is just as well that we learn as much as we can about the life and legacy of John XXIII.”
Tampok din sa “Totus Tuus Tour” ang pelikula tungkol sa buhay ni John XXIII.
Nitong Biyernes, Abril 25 nagsimula ang tour sa Radio Veritas Chapel sa West Avenue, Quezon City.
Narito ang iba pang schedule: May 9-May 12 – St. Joseph Parish sa Upper Bicutan, Taguig City; May 13 – May 16 – Holy Cross Parish sa Matingain, Lemery, Batangas;
May 17 – May 18 – Holy Family Parish sa Kamias, Quezon City; May 23 – May 25 – Santuario de San José sa Greenhills, Mandaluyong City, at iba pang lugar.
MILYONG DEBOTO DAGSA SA VATICAN
MILYONG deboto mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang dumagsa sa Vatican kabilang ang mga mamamahayag ng mga media network sa Filipinas upang saksihan at maging bahagi ng banal na canonization sa dalawang Santo Papa ng Simbahang Katoliko.
Alas-tres ng hapon isasagawa ni Pope Francis ang canonization sa yumaong sina Pope John XXIII at Pope John Paul II, nang maitala ng dalawang Santo Papa ang mga milagro sa ilalim ng kanilang mga pangalan na hindi kayang ipaliwanag ng medisina at ang kanilang hindi mapasubaliang kabanalan.
Sa talaan ng Vatican, si Pope John XXIII, Angelo Giuseppe Roncalli, pinanganak noong November 25, 1881, naging Papa sa edad 76 noong October 28, 1958 at namatay noong June 3, , isang madre na nagkasakit, nagkaroon ng kumplikasyon sa kalusugan, nagkaproblema sa tiyan, kailangang tanggalan ng pancreas pero sa pamamagitan ni Pope John XXIII ay himalang gumaling.
Si Pope John Paul II, Karol Józef Wojty³a, ipinanganak noong May 18, 1920 sa Wadowice, Poland, yumao noong April 2, 2005 sa edad na 84, ang kauna-unahang non-Italian na Santo Papa at may pinakamahabang termino bilang Papa, 27 taon.
Siya rin ang tinaguriang most travelled Pope matapos libutin ang lahat ng mga Katoliko sa buong mundo kabilang ang Filipinas.
Dalawang milagro ang naitala ng Vatican sa pangalan ni Pope John Paul II mula nang siya ay yumao kabilang dito ang paggaling sa karamdaman ng French nun, si Sister Maria, nagkasakt ng Parkinson’s disease pero gumaling nang magdebosyon kay Pope John Paul II.
Gumaling din ang babaeng Costa Rican sa pamamagitan ng debosyon kay Santo Papa Juan Pablo II.
Ang nasabing milagro ay hindi maipaliwanag ng medisina.
(leonard basilio)