Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawa inararo ng saksak, apo niluray

NAGA CITY – Isinasailalim na sa counselling ang magkapatid na nakasaksi sa pagpatay sa kanilang lolo’t lola sa Brgy. B-Titong sa Masbate City.

Ayon kay Chief Insp. Edwin Adora ng Masbate City Police, kabilang sa magkapatid ang 19-anyos dalagita na halinhinang ginahasa ng dalawang holdaper.

Batay sa salaysay ng magkapatid, dakong 6 a.m. kamakalawa habang abala ang lolo at lola nilang sina Eddie at Nelly Verano nang biglang pumasok ang mga suspek.

May dala aniya baril ang mga suspek na itinutok sa mag-asawa at nagdeklara ng holdap habang iginapos ang magkapatid.

Dahil sa takot ay agad ibinigay ng mag-asawa ang perang nagkakahalaga ng P3,000.

Ngunit nagtangkang humingi ng tulong ang mag-asawa kaya tinadtad ng saksak ng mga suspek hanggang sa mamatay.

Pagkaraan ay halinhinang ginahasa ang isa sa magkapatid.

Sa kwento ng magkapatid, nakatakip ang mukha ng isa sa mga suspek habang ang isa ay kanilang namukhaan dahil walang ano mang takip sa mukha.

Napag-alaman, matagal nang naninirahan ang magkapatid sa kanilang lolo’t lola dahil nagtatrabaho ang kanilang mga magulang sa Maynila.

Sa ngayon, may lead nang sinusundan ang mga awtoridad at tiniyak na mahuhuli ang mga suspek sa lalong madaling panahon.

(LANI CUNANAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …