Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GRR TNT sa Baguio

GRABE ang init sa Metro Manila at mga karatig kaya natural na ang mga nais makatikim ng sariwang hangin at malamig na kapaligira’y umakyat sa Baguio, Mountain Province na tinaguriang “summer capital of the Philippines.”

Sa Sabado’y tunghayan natin ang karanasan ng mga staff ng Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) sa ilang araw na bakasyon sa City of Pines.

Samahan natin si Chicadora sa isang food trip. Titikman niya ang strawberry salad at iba pang lutuing ang sangkap ay mga sariwa at malulutong na gulay Baguio.

Ipapasyal din tayo sa mga tanawing dinarayo ng mga turista tulad ng Camp John Hay na puwedeng mag-horseback riding at masampolan ang naroong zipline. Sa mahilig mamangka, dadalhin naman tayo sa lawa sa Burnham Park. Aakyat pa tayo sa Trinidad Valley na mayroong ekta-ektaryang taniman ng gulay at bulaklak.

Karaniwang problema ng mga native ng Mountain Province ang makapal at kulot na buhok. Gagawan ng make over magic si Zaira Galang na nakangiting lumabas sa Gandang Ricky Salon na may straight, shiny, at magandang hair matapos gawan ng prosesong Regold.

Para sa kagandahan, kalusugan, modernong make up at hairstyle, atbp. huwag kaligtaang panoorin ang GRR TNT prodyus ng ScriptoVision  tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …