NAGPALABAS ng hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan third division laban kina dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona at dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.
Ang HDO kay Corona ay may kaugnayan sa sinasabing kanyang ill-gotten wealth, at perjury dahil sa hindi pagdedeklara nang tamang yaman sa kanyang income tax returns (ITR).
Habang ang HDO kay Singson ay dahil sa kasong pagwaldas ng pondo noong 2001.
Layunin ng kautusan ng anti-graft court na maabisuhan ang Bureau of Immigration (BI) upang hindi makalabas ng bansa ang naturang mga personalidad habang nakabinbin ang kanilang kaso.
Paliwanag ng Sandiganbayan, normal lang ang HDO bilang bahagi ng kanilang proseso para sa mga taong may kaso upang matiyak na haharapin nila ang mga itinatakdang pagdinig ng korte.
(BETH JULIAN)