Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binatilyo dumayb sa mall todas

PATAY ang 17-anyos binatilyo nang tumalon  mula sa ikatlong palapag ng SM Southmall, sa Las Piñas, iniulat kamakalawa ng hapon.

Patay na nang idating sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Elthon Phillip Cabacungan, ng Block 19, Lot 7, San Francisco St., Metrocor Homes-B, Talon, sanhi ng matinding pinsala sa ulo.

Sa ulat na nakarating kay Supt. Adolfo Samala, Jr., dakong 1:25p.m. nang mangyari ang pagtalon sa nasabing mall nasa Alabang-Zapote Road, Almanza Uno.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Joren Lorenzo ng Investigation Detective & Management Section, nakitang palakad-lakad ang biktima sa Cyberzone area nang bigla na lamang tumakbo at tumalon una ang ulo mula sa ikatlong palapag at lumagpak sa lower ground level ng mall.

Ayon sa pulisya, hindi pa nakakausap ang mga magulang ng biktima matapos ilagak ang bangkay sa People”s Funeral Homes para sa awtopsiya. (JAJA GARCIA)

DALIRI NG PASLIT NAIPIT SA ESCALATOR NG MALL

Naipit ang mga daliri ng isa’t kalahating taong gulang paslit sa escalator ng Market! Market! sa Taguig, iniulat Biyernes ng hapon.

Pahayag ng mga tindera sa stall nasa paligid ng escalator sa ground floor, nagulat sila sa malakas na iyak ng bata at sa paghingi ng tulong ng ama na hindi matanggal ang kamay ng anak mula sa pagkakaipit sa pagitan ng mga baitang sa gilid ng escalator.

Pababa na at nasa ikalimang baitang sa escalator ang pamilya ng bata nang maapit ang mga daliri ng paslit.

Kaagad na pinatay ng guwardiya ang makina ng escalator at hinugot ang kamay ng paslit at ligtas na ang biktima na isinugod sa St. Luke’s Global.

Ayon sa building administrator, tutulungan nila ang pamilya ng biktima at magsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa insidente.

Sinasabing isa sa naipit na daliri ng bata ang maaaring nagkaroon ng fracture.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …