Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, inaabangan din ang bagong mangyayari sa PBB!

ni  Rommel Placente

SUKDULANG pagpapakatotoo at all in na saya, experiences, mga pasabog, at sorpresa ang ihahain ng pinaka-sinusubaybayan at nag-iisang teleserye ng totoong buhay na Pinoy Big Brother (PBB) sa muling pagbubukas ng pinakasikat na bahay sa bansa ngayong Linggo (Abril 27).

Sa pinakabagong edisyon na pinamagatang PBB All In tampok ang bagong susubaybayang housemates na may edad na 15 hanggang 30 taong gulang na haharap sa iba’t ibang challenges at susubukin ang pagpapakatotoo sa loob ng 100 days.

Pangungunahan ang PBB All In ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, Robi Domingo, at ang bagong ka-hang out ni Kuya na si Alex Gonzaga.

Ngunit bago pa man ang grand kick-off ngayong Linggo ng gabi, may ilang housemates nang unang ipakikilala sa ASAP 19 at Buzz ng Bayan.

“Hindi ko alam kung anong pwedeng i-expect ng viewers sa ‘PBB’ kasi ang lahat na nangyayari sa loob ng bahay, unexpected. Pati kami, inaabangan namin kung ano ang mangyayari, ang bagong tasks, ‘yung clash ng iba-ibang personalities,” ani Toni.

Nagsimula si Toni bilang host noong unang regular season pa lang ng  PBB, ngunit hanggang ngayon ay excited pa rin daw siya kung ano ang mapapanood nilang bago sa show.

“I was only 21 when I joined ‘PBB.’ Hindi na siya trabaho para sa akin, kumbaga pangalawang pamilya ko na. Nag-mature at nag-grow ako rito hindi lang bilang host pero bilang tao na rin,” dagdag niya.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang muling magbabalik sa ere ang PBB?

“In-expect na namin. Nag-expect agad kami,” natatawang sabi ni Toni.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …