ni Peter Ledesma
SUKDULANG pagpapakatotoo at all in na saya, experiences, mga pasabog, at sorpresa ang ihahain ng pinakasinusubaybayan at nag-iisang teleserye ng totoong buhay na Pinoy Big Brother (PBB) sa muling pagbubukas ng pinakasikat na bahay sa bansa ngayon darating na araw ng Linggo (Abril 27).
Sa pinakabagong edisyon na pinamagatang PBB All Intampok ang bagong susubaybayang housemates na may edad 15 hanggang 30 anyos na haharap sa iba’t ibang challenges at susubukin ang pagpapakatotoo sa loob ng100 days. Pangungunahan ang PBB All In ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, Robi Domingo, at ang bagong ka-hang out ni Kuya na si Alex Gonzaga. Ngunit bago pa man ang grand kick-off ngayon Linggo ng gabi, may ilang housemates nang unang ipakikilala sa “ASAP 19” at “Buzz ng Bayan.”
“Hindi ko alam kung anong pwedeng i-expect ng viewers sa PBB kasi ang lahat na nangyayari sa loob ng bahay, unexpected. Pati kami, inaabangan namin kung ano ang mangyayari, ang bagong tasks, ‘yung clash ng iba-ibang personalities,” ani Toni.
Nagsimula si Toni bilang host noong unang regular season pa lang ng PBB, ngunit hanggang ngayon ay excited pa rin daw siya kung ano ang mapapanood nilang bago sa show.
“I was only 21 when I joined PBB. Hindi na ito trabaho para sa akin, kumbaga pangalawang pamilya ko na. Nag-mature at nag-grow ako rito hindi lang bilang host pero bilang tao na rin,” dagdag niya.
Katulad ni Toni, matagal na rin nagsilbing mukha ng PBB si Bianca. “Ang taas-taas nagsimula ng PBB, at ang challenge sa amin kung paano manatiling interesado ang mga tao sa show,” aniya.
“Nagka-ten editions na kami, so ang ibang housemates, feeling nila alam na nila how to play the game. With the new season, gusto namin ibalik ang rawness na mayroon noong season one at ang pagiging totoo ng mix ng housemates,” dagdag ni Bianca, na nagsimulang mag-host sa unang teen edition ng programa.
Makakasama ulit ni Bianca sina John at Robi sa “Uber” na mapapanood kada hapon sa Kapamilya Gold, at inaasahang mas magiging kwela pa ito sa pagpasok ni Alex.
“Nagulat kami sa chemistry na nabuo sa ‘Uber.’ Nagkaroon kami ng certain roles na roon na lang nabuo. Nag-jive ang personalities namin. Ngayong ibinalik ang ‘Uber,’ ibig sabihin naging successful kahit paano ‘yung ginawa namin,” sabi ni John.
Ito raw marahil kaya nakare-relate sila sa housemates, ayon pa kay Robi, na itinanghal na second placer ng pangalawang teen edition. Naging housemates naman sa unang celebrity edition sina Bianca at John.
“Hindi naman maiintindihan ng ibang tao ang pinagdaraanan ng housemates, ang mga naging housemate lang ang makaiindinti sa kanila. Ang sarap din i-reminisce ang memories sa loob ng bahay,” pahayag ni Robi.
Samantala, masaya naman si Alex na maging bahagi ng PBB lalo pa’t sinusubaybayan na niya ito simula noong season one.
“Happy ako kasi sa pagbabalik ng PBB, kasama ako. Season one pa lang, fan na ako. Nag-e-enjoy akong manood kasi bilang tao, chismosa talaga ako, so nagpapakwento ako kay Ate kung anong nangyari sa confession room, kung ano ang mga nangyaring hindi ipinalabas,” sabi ni Alex.
Sigurado rin mas magiging involved pa ang mga tagasubaybay ng programa pati na netizens sa mga magaganap sa loob ng Bahay ni Kuya dahil sa mga pakulo ng show sa social media. Naging makasaysayan sa history ng Philippine television ang isinagawang kauna-unahang multi-platform auditions ng PBB All In na libo-libong aspiring housemates ang dumayo sa auditions sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lumahok sa online auditions at nagpa-fast track sa pilahan sa pamamagitan ng ABS-CBNmobile. Saksihan ang pagsisimula ng “Pinoy Big Brother All In” at kilalanin ang pinakabagong housemates nito ngayong Linggo (Abril 27) ng gabi, live sa ABS-CBN.
Para sa updates ukol sa programa, sundan lang ang @PBBabs-cbn sa Twitter, o i-like facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn. I-post ang reaksyon online gamit ang hashtag na #PBBALL-IN.
Kapit ng televiewers mas lalo pang tumindi
MIRABELLA WAGI LABAN SA BAGONG KATAPAT NA PROGRAMA
Tumitindi na ang kapit ng TV viewers sa nakabibighaning ganda ng kwento ng top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Mirabella.” Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Abril 21) kung kailan nagwagi ang teleseryeng pinagbibidahan ni Julia Barretto kontra sa bago niyang katapat na programa sa GMA. Humataw ang “Mirabella” ng 20.5% national TV rating, o halos 10 puntos na kalamangan kompara sa “My Love From The Star” na nakakuha lamang ng 11%.
Samantala, mas magiging kapanapanabik ang mga susunod na tagpo sa “Mirabella” sa nalalapit na pagpasok sa buhay ni Mira (Julia) ng mahiwagang dalagitang si Bella. Sino si Bella at ano ang pagbabagong dadalhin niya sa mundo ni Mira? Huwag palampasin ang teleseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, “Mirabella” gabi-gabi, bago mag “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Mirabella” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/MirabellaOnline at Twitter.com/MirabellaOnline.