Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Selosang GF napatay sa bugbog ng ex-pulis

NAPATAY sa gulpi ng isang dating pulis ang isang babae nang umatake ang pagiging selosa kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kusang-loob na sumuko sa pulisya ang suspek na si retired SPO3 Longino Catalan, 67-anyos, ng 3-B Rivera Compound, Talipapa, Brgy. 164 ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong murder.

Agad nalagutan ng hininga sa matinding bugbog sa katawan at nabagok ang ulo ng biktimang si Gina Ortiz, nasa hustong gulang, ng nasabi rin lugar.

Batay sa ulat ni PO2 Edgar Manapat, dakong 11:30 p.m. nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek.

Nagtalo ang dalawa dahil sa pagseselos ng biktima bunsod ng pagiging babaero ng suspek.

Pagkaraan ay biglang tinuhod ng biktima sa pagitan ng mga hita ang suspek na naging dahilan upang magdilim ang isip ng lalaki kaya siya ay pinagsusuntok hanggang sa matumba.

Nabagok ang ulo ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …