Friday , November 15 2024

Janet Lim Napoles as state witness? Too late the hero na ‘yan!

00 Bulabugin JSY

ITO ang hirap dito sa gobyerno ni PNoy, merong EPAL, meron naman iwas-pusoy.

Gaya n’yan, nakikipag-unahan ba ngayon si Justice Secretary Leila De Lima kay Rehabilitation Czar Ping Lacson na ‘pagandahin’ ang papel ni Janet Lim Napoles sa ending ng multi-billion pork barrel scam?!

Nabalitaan siguro ni Madam Leila na mayroong kumonek kay Rehab Czar Ping kaugnay ng ‘TELL ALL’ proposal ng kampo ni Napoles basta mabigyan lang siya ng pabor na mababaan umano ang sentensiya sa kanya.

Kaya hayan, nagkukumahog na dinayo ni Madam Leila sa kanyang hospital bed si Napoles at pinag-execute ng affidavit.

Ayon kay Madam Leila, gusto raw iyon ni Napoles bago siya isailalim sa operasyon. (Mayroon bang abogado si Napoles nang i-execute ang affidavit na ‘yan?)

Pagkatapos nga nito ay biglang lumutang mula sa kampo ni Madam Leila na pinag-aaralan umano kung pwedeng maging ‘state witness’ ang reyna ng pork barrel scam.

Sonabagan talaga, oo!

Bukod tanging sa Philippines my Philippines lang talaga mayroong mga anggulong gaya n’yan.

Mantakin ninyo, ‘yung Justice department pa ang nag-iisip kung paano hihikayatin si Napoles na magsabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang?!

Bwahahahaha!

Ibig ba ninyong sabihin ay basura ang ipinagmamalaki ninyong mga ebidensiya (paper trail) na nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pinakamalaking eskandalo ng KORUPSIYON na kinasasangkutan ng mga senador at ng kanilang pork barrel?!

Tsk tsk tsk …

Masyado nang naiinsulto ang mga mamamayan na ginulangan. Ninakawan na nga sila at hindi pa umaamin sa kanyang kasalanan ‘e gusto nang humingi ng patawad?!

Nasaan naman ang katarungan d’yan Justice De Lima?!

Kaya marami tuloy ang natutuwa kay Senator Miriam Defensor Santiago dahil siya lang ang bukod tanging matapang na isinasawalat sa mamamayan ang immoral na ‘kontsabahan’ ng mga Senador at ni Napoles sa tulong ng kanilang mga staff at sa kaso nga ni ‘Tanda’ ay itinuturo pa ang kanyang paramour.

Sana lang ay matapos nang may katarungan ang ‘multi-billion pork barrel scam’ na ito. At sana ang pagtatapos ay maging ‘DETERRENT’ laban sa mga mandarambong na politiko.

Bigyan ninyo ng ‘ASSURANCE’ ang sambayanan Justice Leila De Lima!

APOLOGY WITH ‘SUHOL’ FOR CLOSURE AND MUTUALLY SATISFACTORY CONCLUSION … (Weee … hindi nga?!)

SABI ng matatanda … “Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.”

At ‘yan po ang aktuwal na nangyari d’yan sa paghingi ng apology ni Erap sa Hong Kong government.

Ang ligoy ng mga pasikot-sikot na naganap … parang tsubibo!?

Kesyo mayroon pang mga pahayag ang Palasyo na hindi sila hihingi ng paumanhin dahil ang krimen ay kagagawan ng isang disgruntled element ng Philippine National Police (PNP).

Ang pinakahuling pagsisinungaling ng administrasyon ni PNoy ay nang sabihin ni Spokesperson Herminio “Sonny” Coloma, Jr., ilusyon lang daw ni Erap na mayroon siyang kasamang opisyal ng gobyerno.

Pero kamukat-mukat nating lahat ‘e totoo naman palang ‘SUGO’ ni PNoy si Cabinet Secretary Rene Almendras.

Kung ganoon rin naman pala ang mangyayari, sana inutusan na lang ni PNoy si Kris Aquino na siyang pumunta sa Hong Kong para humingi ng apology.

E sa totoo lang pala, APOLOGY with SUHOL pala ang lakad ni Erap.

By the way, saan nga pala ipinadala ‘yung perang suhol ‘este’ compensation sa mga biktima ng Luneta Hostage crisis?

Bank to bank remittance ba ‘yan? O d’yan lang dumaan sa Binondo Central Bank ‘black market remittance?”

Ano naman ang mangyayari after the apology?

Huhugos ba ang mga turista mula Hongkong sa bansa?

E sa totoo lang po, ‘yung Hong Kong nga ang masyadong sinuswerte dahil kahit middle income Pinoys ay nagtuturista sa kanila.

Dito sa Philippines, ang mga nagpupunta rito ‘e ‘yung mga sangkot na miyembro ng sindikato ng droga. Mga money launderer sa mga casino at iba bang unscrupulous characters na tumatakas sa batas ng China.

Pagkatapos ba ng apology na ‘yan ‘e wala nang maaabusong Pinay domestic helper? Tataas na ba ang sahod ng overseas Filipino workers (OFWs) sa HK?

Bibigyan na ba ng residency visa ang OFWs?

Hindi na ba tayo ibu-BULLY ng China?

Kapag ‘YES’ ang sagot lahat d’yan, ‘e di ipagbunyi natin si Erap.

Kung mangyayari ‘yan!?

MALIGAYANG KAARAWAN KATOTONG JOEY VENANCIO

UNA, nais natin batiin ang katoto at kaibigan nating si JOEY VENANCIO, ang publisher ng mga pahayagang Police Files Tonite at X-Files.

HAPPY BIRTHDAY Pare!

Hangad ko ang marami pang taon sa iyong buhay at lalo pang kasaganaan at magandang kalusugan.

By the way, marami nang nakami-miss sa iyo p’re dahil pirmi ka na lang daw nasa bahay.

Lumabas-labas ka naman kapag may time…

Muli, happy birthday, Joey boy!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *