Monday , December 23 2024

City Hall Take-over sa palengke ng Bacoor aprub sa vendors

Bacoor City, CAVITE – Nakahihinga na nang maluwag ang vendors ng Bacoor Public Market ilang buwan matapos i-take-over ng pamahalaang lungsod mula sa pangangasiwa ng isang pribadong grupo sa loob ng tatlong taon.

Ayon sa Samahan ng Mangangalakal at Manininda ng Pamilihang Bayan ng Bacoor, Inc., labis-labis ang kanilang pagpapasalamat kay Mayor Strike Revilla dahil inaksyonan niya ang kanilang hinaing na palayasin ang pribadong grupo na nangangasiwa sa nabanggit na palengke.

Ang Bacoor Public Market ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng HDR Management Corporation na umano ay pag-aari ni Ginang Flaviana “Vivian” Del Rosario bago tuluyang na-take-over ng pamahalaang lungsod dahil sa sandamakmak na reklamo ng umano’y pang-aabuso sa mga vendor.

“May sariling batas at parang martial law ang ipinairal ni Vivian del Rosario sa palengke. Overpriced ang koryente at tubig, overpriced din ang bawat pwesto, pero wala naman nangyaring improvement sa loob ng ilang taon,” ayon kay Feliciana Sarmiento, Pangulo ng Samahan ng Manga-ngalakal at Manininda ng Pamilihang Bayan ng Bacoor, Inc.

Sinasabing si del Rosario ay kilalang tauhan umano ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Malakanyang at sumabit na rin umano  ang  pangalan  sa ilang isyu ng katiwalian.

Ngayong nasa panga-ngalaga nang muli ng pamahalaang lungsod ang palengke, iginiit ng grupo ng mga vendor na naging payapa na ang sitwasyon sa Bacoor Public Market.

“Suportado namin si Mayor Strike sa ginawa nilang pag-take-over sa palengke. Matagal na itong hinihiling ng mga vendor at magkakagulo lang muli kung babalik ang grupo ni Vivian,” ayon kay Agnes Rio-malos, isa sa mga opisyal ng samahan ng mga vendor.

Sa panig ng pamahalaang lungsod, sinabi ni Mayor Revilla na ginagawa nila ang lahat ng pamamaraan para maibalik ang normalidad sa kanilang pamilihang bayan. “Bilang Ama ng aming lungsod, ang interes ng mga taga-Bacoor ang aming pinoprotekta-han. Sila ang higit na dapat makinabang sa palengke at hindi ang mga pribadong indibidwal,” pahayag ng alkalde.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *