CEBU CITY – Nakatanggap ng unverified reports ang National Bureau of Investigation Region 7 na nasa Cebu ang isa sa mga akusadong bumugbog sa comedian-actor na si Vhong Navarro.
Ayon kay Cebu kay NBI-7 Regional Director Max Salvador, nagsasagawa sila ng pagsusuri kung gaano katotoo ang natanggap na ulat.
Iginiit ni Salvador na gagawin nila ang lahat upang mahuli si Cedric Lee sakaling matukoy na nasa Cebu talaga.
Maalala na pabalik-balik na sa Cebu ang negosyante nang sumali ang kanyang kompanya sa bidding tungkol sa multi-million peso waste to energy project ng Kapitolyo ngunit hindi ito natupad nang nalagay sa kontrobersya si dating Cebu Governor Gwen Garcia dahil sa kasong katiwalian. Si Cedric Lee ang isa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro na may standing warrant of arrest mula sa Taguig RTC kasama sina Deniece Cornejo at tatlong iba pa.
(LAYANA OROZCO)