Monday , December 23 2024

Pulis-NPD kulong sa holdap

ARESTADO sa Traffic Enforcement Unit ng Maynila ang tauhan ng Philippine National Police nang kanilang holdapin ang mag-asawang negos-yante sa Roxas Boulevard, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si  PO2 Argel Nabor, 27, ng 317 Mabini St.,   Sampaloc, Maynila, nakatalaga sa Northern Police District (NPD).

Sa ulat, nakatakas ang sinasabing tatlong kasama ni Nabor at tinutugis ngayon ng mga awtoridad.

Ayon sa mga biktimang sina Apolinario Yla-ga, 42, at kabiyak na si Guillerma, 42, negosyante ng mga alahas,  ng  754 San Bernardo Street, Sta. Cruz, Maynila, binabagtas nila  ang Roxas Boulevard kanto ng Quirino Avenue, Malate, nang sila’y  harangin ng mga suspek nakasakay sa motorsiklo at Toyota Hi-Lux (TIC 964) kulay gray.

Sa kuwento ng mga biktima, tinutukan  sila ng baril  ni Nabor, saka  inagaw ang shoulder bag na may laman P200,000 cash, isang kuwintas, isang set ng Illusion bag naglalaman ng alahas na umaabot sa halagang P700,000.

Agad nakahingi ng tulong ang mag-asawa  sa Manila District Traffic Enforcement Unit –MDTEU na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nakompiska sa suspek ang  isang Taurus Pistol 9mm (PT #111PRO SA, serial TAV15026 )  na nakarehistro sa isang Ada Michelle Elleusada,  na may magazine load (33) at tatlong bala ng kalibre 38, isang iPhone China at isang unit ng Nokia.

Sa ulat, bitbit ng mga nakatakas na kasama ni Nabor  ang bag  ng mga biktima na naglalaman ng mga alahas at cash.

(ni Leonard Basilio May kasamang ulat nina Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop, jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *