Monday , December 23 2024

Lenten Presentation ng It’s Showtime, pinakamaganda

 

ni  Letty G. Celi

ANG ganda ng Lenten Presentation ng noon time show na It’s Showtime. Medyo pahinga muna ang mga host na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, Billy Crawford, Kim Atienza, Jugs and Teddy. Si Anne Curtis na laging absent dahil sa kanyang taping sa Dyesebel at siyempre si Karylle.

Wala muna silang komedya last week bilang paggalang sa Panginoong Hesukristo na tradisyon natin sa Pilipinas ang pag-alaala sa pagtubos ng kasalanan ng sangkatauhan. Sa bansa natin na itinuturing na isa sa pinaka-relihiyosong country. At mortal sin naman kung makalilimutan mo ang Mahal na Araw, Cuaresna, o kaya Holy Week.

Sumasapit ito sa buwan ng Abril-Marso. At alam na natin ang ginagawa tuwing darating ang mga araw na ito. Panahon ng pagtitika at pagninilay-nilay. Kaya ang mga gag show ay nakikiisa rin sa pamamagitan ng mga palabas na may temang pag-ibig sa Diyos. Tigil muna tayo sa tawanan, kulitan, murahan at kung ano-ano pa.

Ang Eat Bulaga nga may drama show na ipinalabas din, mayroon ding kakaibang presentasyon ang TV5, ganoon din ang UNTV. At ang ABS-CBN na marami ring palabas tungkol sa mga buhay ng tao na nagbalik ang tiwala sa Diyos.

Pero sa obserbasyon ko, para sa akin the best ang presentation ng It’s Showtime. Na-amazed talaga ako sa pag-arte nila lalo na ‘yung kuwento ni Christine “Chuck” Ledbetter ng Ormoc City. Naging contestant siya sa That’s My Tomboy ng It’s Showtime. Napakaganda ng kuwento niya na inapi ng kanyang tiyuhin simula pagkabata. Ni hindi man lamang siya matulungan o maipagtanggol ng ina kaya naisipan niyang lumayas sa murang edad. Pero hindi nasiraan ng loob si Chuck dahil nagsumikap siya lalo at lumuwas ng Maynila at doon naghanap ng magandang kapalaran bago magkaroon ng tragedy sa Ormoc City dahil sa bagyong Yolanda. Naghanap siya ng trabaho para makapag-ipon at makapag-aral muli dahil hindi siya napag-aral ng kanyang mga magulang. May kapatid si Chuck, mas matanda sa kanya na hindi pinalad at nakulong sa Cebu. Kaya’t nagsolo si Chuck at kung ano-ano na ang pinasok na trabaho. Hangga ako sa kanya dahil kahit anong pagsubok ang dumaan sa buhay niya ay kinakapitan pa rin niya ang Panginoon. ‘Di siya nawawalan ng pag-asa. Rito siya kumukuha ng lakas ng loob. At sa wakas, dumating ang big opportunity sa kanya na makasali sa That’s My Tomboy ng It’s Showtime. Ang bestfriend niya ang nag-udyok na sumali sa programa nito. Itong si Chuck naman kasi, kahit saang anggulo mo tingnan at sipatin at napakaganda pa rin niya.

Nanalo si Chuck ng P20,000 at nakapasok sa semi-finals ngunit ‘di pinalad na manalo sa grand finals pero para na rin siyang winner dahil nakilala na siya. Malaki na rin ang naitulong niya sa kanyang pamilya at natubos na rin ang bahay na isinanla ng kanyang tiyuhin. Lalo pang naging kaakit-akit ang istorya niya dahil ginampanan ito ng host na si Coleen. Si Arjo Atayde naman ang kanyang nakatatandang kapatid. At si Jhong ang kanyang salbaheng tiyuhin.

Ka-award-award ito. Sabagay, si Arjo naman ay nanalo na ng Best Actor for Single Performance sa Star Awards for TV last year. Si Jhong na sa Mara Clara pa lang ay pansin na ang kanyang husay sa pag-acting. At siyempre, magaling din na dancer, host at businessman na rin ngayon. Mayroon na ring School for Dancing and Acting at may iba pang ready to operate na negosyo.

Grabe talaga ang acting nilang tatlo sa Lenten Presentation ng It’s Showtime.

MARC AT CHRISTINE, BINIGYAN NG PANGKABUHAYAN SHOWCASE NG IT’S SHOWTIME

ISA pang lab na lab ko ‘yung isa ding Holy Week Special ng It’s Showtime. ‘Yung kay Marc Tyler dela Cruz na winner naman ng  Kalokalike at bata pa lang ay nagtatrabaho na para sa kanyang mga magulang at anim na kapatid na dapat ang kuya niya ang umako.

Si Vhong Navarro ang Kalokalike niya kaya siya mismo ang gumanap sa karakter ni Marc. Masasakitin ang kanilang ina at iniwan naman sila ng kanyang ama. Bago umalis ang kanilang ama ay ibinilin sa kanyang huwag pababayaan ang ina at mga kapatid. Nang lumaki si Marc, ang pagtitinda ng tsinelas ang naging trabaho.

Ang tema ng istorya ni Marc ay pagmamahal sa magulang, mga kapatid, at pananalig sa Diyos. Hindi na naghanap ng girlfriend si Marc matapos pagtaksilan ng kanyang nauna.

Marami siguro ang naka-relate sa kuwento niya. Dahil kahit anong biyaya, maliit man o malaki laging he proclaims the name of Jesus. ‘Yan sina Marc at Christine. Kaya masaya silang hinandugan ng regalong pangkabuhayan na magiging pangmatagalang negosyo nila.

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *