Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, inihalintulad ni Sarah sa bibingka

ni  Rommel Placente

MAY ginagawang pelikula ngayon si Sarah Geronimo titled Maybe This Time opposite Coco Martin. Mula ito sa Star Cinema.

Sa guesting ni Sarah sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, April 20 ay ikinuwento niya kung saan tatakbo ang istorya ng pelikula nila ni Coco.

“It’s about two people, finding each other on the wrong time. Hindi sila nagkaroon ng closure, so, naiwan sila na hanging. Maling tao ba sila para sa isa’t isa?”sabi ni Sarah tungkol sa kanilang pelikula.

Unang nagkatrabaho sina Sarah at Coco sa defunct drama series na Idol.  Ito ang first time naman na nagkasama sila sa isang pelikula. Masasabi ng Pop Princess na challenge pa rin para sa kanya ang muling makatrabaho si Coco.

“Kilala natin si Coco as dramatic actor, ‘di ba? So, sabi ko sa sarili ko, wow, mukhang challenge ito sa akin.”

Masaya si Sarah na katrabaho muli si Coco.

“Siyempre excited tayo kasi marami tayong matututuhan in this project, with Coco,” aniya pa.

Pero aminado naman si Sarah na kahit paano ay naiilang pa rin siya kay Coco.

“Actually sa lahat naman po ng leading man may ilang. Palaging may ilang and it helps, ‘yung awkwardness, ‘yung kilig.

“As a teaser, ‘yung parang iti-tease ko siya. ‘Yung ganoon, tuwang-tuwa ako sa kanya roon.

“May ganoon pala siya, ‘yung pagka-komedyante niya.

“Natutuwa ako ‘pag ganoon mas nagiging natural rin ang bato ko ng acting sa kanya, mas nagiging natural.

“Mas naglu-loosen-up siya, mas gumagaan.

“Ito ngang pelikula naming ito mas nabibigyan kami ng chance na maging komportable sa isa’t isa.”

Kung ikukompara niya si Coco sa isang pagkain, anong pagkain ito?

“Bibingka,” ang natatawang sagot ni Sarah.

“Kasi si Coco, simpleng tao pero nakaka-endear sa kanya ang simplicity niya, humility niya,” papuri pa ni Sarah sa kanyang leading man.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …