Saturday , May 17 2025

Armoury naitala ang ikaanim na panalo

Naitala ang ikaanim na panalo ng kabayong si Armoury at hinete niyang si Cris Reyes nung isang gabi sa pista ng SLLP.

Sa largahan ay mabilis na umarangkada ang kanilang tambalan dahil sa angking tulin na namana sa kanyang mga magulang na sina Stone God at Spear Heads. Pagsungaw sa rektahan ay inalalayan na lamang ni Cris ang kanyang sakay dahil nalingunan niyang malayo na sila sa peligro hanggang sa makarating sa meta.

Ayon pa kay Cris ay masusundan pa ang kanilang mga panalo basta huwag lang magbago ang kundisyon ni Armoury. Naorasan sila ng 1:31.5 (13’-24-26-28) sa 1,400 meters na distansiya.

Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *