Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Umuulan sa panaginip

To Señor H.,

Hve a happy nice day señor, ask lng po ab0ut my dream kgbi lng…umulan daw po hbng nsa tindahan kmi, at knbukasan pagpunta namin ng tndhan upang magbukas ng store. .ay nadatnan dw namin na ntanggal ang isan kah0y na aming sinara. .nanakawan dw po kmi. ..tnx sir. .pkienterprit po dream q . .. dont post my #. .,call me kriza.

To Kriza,

Ang panaginip mo ay may kinalaman sa paglilinis mula sa iyong mga suliranin at kaguluhan sa buhay. Ang ulan ay simbolo rin ng fertility at renewal. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin na sagisag ng kapatawaran at biyaya. Subalit, puwede rin namang metaphor ito ng luha, pag-iyak o kalungkutan.

Ang tindahan naman ay nagsasabi na ikaw ay emotionally and mentally strained. Alternatively, maaaring ikaw ay nakikipag-brainstorming para sa mga bagong idea o kaya naman ay naghahanap ng iba’t ibang mapapagpilian na nandiyan para sa iyo. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaaring nagpapakita ng what is in “store” for you.

Kapag nanaginip ng wood o kahoy, ito ay maaaring nagsa-suggest na pakiwari mo ay wala kang pakiramdam at ikaw ay parang makina. Nagsasabi rin ito na hindi ka nag-iisip nang mabuti o nang kumpleto. Alternatively, maaaring ito ay isang ‘pun’ ng may kaugnayan sa sexual arousal. Dahil natanggal o nawala ang kahoy sa panaginip mo, maaaring nagsasabi ito nang pagkabawas sa iyong sexual activities.

Kung sa panaginip mo ay nanakawan ka, nagpa-pahayag ito ng feeling violated o kaya naman, ang personal space mo ay kinuha ng iba. Maaaring nagsasabi rin ito ng pagiging helpless sa ilang sitwasyon o relasyon, dahil marahil sa malalaking pagbabago sa iyong buhay. Dapat bigyan ng panahon ang sarili na makapag-adjust sa iyong bagong environment. Sa kabilang banda, posible rin namang ito ay bunga ng pagiging biktima ng pagnanakaw sa totoong buhay at ito ay sintomas ng post traumatic stress, o kaya naman, ng pag-aalala o takot na maging biktima ng mga magnanakaw sa estadong ikaw ay gising o sa tunay na buhay.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …