IKINATUWA ng Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin ang bisa ng temporary restraining order (TRO) laban sa P4.15 /kWh dagdag sa singil sa koryente.
“We welcome the decision of the Supreme Court that while we wait for a final decision on the case, an extension of the TRO would certainly provide comfort to our countrymen especially at this time when there is more consumption demand during summer,” pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Inianunsyo ni Supreme Court spokesman Theodore Te ang pasya ng Supreme Court na sa botong 10-4, ang TRO laban sa power rate hike ay ”indefinitely extended until further notice”.
Ikalawang pagkakataon ito na pinalawig ng Kataas-taasang Hukuman ang TRO sa power rate hike mula nang unang inilabas ang 60-day TRO noong Disyembre 23, 2013 at in-extend noong Pebrero 18, 2014 hanggang kahapon (Abril 22).
(ROSE NOVENARIO)