Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Trial movie ni Lloydie, nahinto

ni  Nene Riego

DAHIL sa aksidenteng kinasangkutan habang nagsusyuting ng Kapamilya summer station ID ang machong actor na si John Loyd Cruz na baka accident prone siya ay ‘di siya nag-out of town with friends gaya ng mga nagdaang Holy Week.

Sa bahay lang siya at nagpahinga bilang paghahanda sa resumption mga syuting ng kanyang bagong pelikulang The Trial na ang kasama niya’y sina Richard Gomez at Gretchen Barreto.

May ilang araw nang nag-syut ang Star Cinema movie pero nahinto nga ito dahil Semana Santa at tigil-trabaho sa industriya. Tayming naman dahil may ilang revisions daw na kailangang gawin sa script.

ENGLISH TITLE SA MGA SERYE, USO

WALA ba kayong napupuna? Uso ngayon na English ang titulo ng mga programa sa TV (tulad ngMy Husband’s Lover, The Borrowed Wife,  The Half Sisters, atbp.) at pelikula (It Takes A Man And A Woman,  My Other Woman, Da Obssessed, etc.).

Puna tuloy ng isang kakilala naming senior citizen, ”Filipino ang mga pelikula at programa pero bakit banyaga ang titulo?’

For the record, box office hit ang mga movie ni JLC na ang katambal niya’y sina Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Angel Locsin, at Toni Gonzaga. Ganoon din kaya ang maging resulta sa takilya ng project niya with Greta and Goma?

BALITANG PAGIGING WALANG KWENTANG TAO NI GEOFF,GAWA-GAWA LAMANG

AYAW nang magsalita ni Carla Abellana tungkol sa split nila ni Geoff Eigenmann. ‘Di nga raw alam ng Del Monte Kitchenomics host kung bakit ang daming isyung lumabas na tila exposing dirty linens in public ang tema.

“Hindi ko alam kung saan galing ang mga ‘yon. Totoong umamin  ako na hiwalay na kami ni Geoff pero never kong binanggit na wala siyang kuwenta at walang ambisyon sa buhay. Gawa-gawa na lang siguro ‘yon ng ibang taong gustong palakihin pa ang gusot,” say ng magandang aktres.

Kung siya raw ang tatanungi’y mas gusto niyang maging friends pa rin sila ni Geoff. After all, may pinagsamahan sila sa mahaba-haba rin namang panahon.

PACMAN, ‘DI PA NANGANGARAP NG MATAAS NA POSISYON

KAHIT Biyernes Santo dumating ng GenSan si Rep. Manny Pacquiao, mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga kababayan.

Ayon kay Pacma’y ‘di pa siya magreretiro at patuloy pa rin ang laban sa ring. Sa isang interbyu’y sinabi niyang malayo rin sa isip niya ang tumakbong pangulo ng bansa sa 2016. ”Marami pa tayong kakaining bigas bago mangarap ng pinakamataas na posisyon sa bansa.”

Bago pa siya kuwestiyonin ng BIR tungkol sa buwis na dapat ibayad sa kinita sa huling fight kayTimothy Bradley ay ipinaliwanag niyang bago niya mahawakan ang kinita’y daraan na ‘yon sa Internal Revenue ng USA. Maliwanag ‘yan, ha?

JONALYN, PAPALIT DAW SA TRONO NI REGINE

MISMONG sa bibig ng Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid nanggaling na ang tiyak na papalit sa kanya kapag naipasiya niyang magretiro ay si Jonalyn Viray na isa sa La Diva (kasama nina Aiucelle Santos at Maricris Garcia).

Sa mismong concert ni Jonalyn titled Fearless ito sinabi ni Mrs. Ogie na naging guest t sa nasabing event. Sa pagkakatanda nami’y si Regine ang host ng Pinoy Pop Superstar na si Jonalyn ang itinanghal na kampeon.

‘Di man sinasadya ni Jonna na gayahin ang kanyang idolo, ‘di maiwasan ito dahil sa timbre at taas ng boses, style at porma’y talagang Regine ang dating nito.

Ang Fearless ay napanood sa GMA-7 slot ng SNBO (Sunday Night Box Office) noong Linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …