Thursday , May 15 2025

Pinay gymnast umusad sa Youth Olympics

ISA pang Pinoy ang nakasikwat ng tiket para sa gaganaping 2014 Summer Youth Olympics matapos ang matikas na kampanya sa Junior Asian Championship Artistic Gymnastics kamakailan sa Tashkent, Uzbekistan.

Umarya para sa pinakamalaking torneo tampok ang mga batang atleta na may edad 16-anyos pababa si US-trained Pinay Ava Verdeflor, kasalukuyang No.1 junior gymnast ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP), sa impresibong pagtatapos sa all-around event tangan ang kabuuang 30.3 puntos.

“I’m happy and feeling blessed with my performance. As sole representative of the Philippines in the Youth Olympics qualifying event, pressure came in but I managed to keep my composure,” pahayag ng 15-anyos gold medalist sa 2013 Philippine National Games.

Kabilang si Verdeflor sa siyam na atleta mula sa 22 bansang naglaban na nakakuha ng slots para sa 2nd Youth Olympics na kinabibilangan din ng China, Japan, Iran, Kazakhstan, Qatar, Uzbekistan, Singapore at South Korea.

Makakasama ni Verdeflor sa Philippine Team na sasabak sa Youth Olympics sa Nanjing, China sa Agosto 17-27 sina archer Gian Moreno at Bianca Gotauco na nagwagi ng ginto at silver medal, ayon sa pagkakasunod sa Continental Qualification Tournament noong Enero sa Taipei.

Ayon kay GAP president Cynthia Carrion pinabilib ni Verdeflor ang mga opisyal at kapwa atleta dahil sa kabila ng pagigiging dehado ay nagawang makipagsabayan at matatag na nakihamok laban sa mga karibal.

“Imagined, other countries have four to six athletes playing for their team. Ava is lone gymnast for the Philippines yet she performed better that the other. We are proud of her,” sambit ni Carrion.

Aniya, isusumite niya sa Philippine Sports Commission (PSC) ang programang inihanda nila para mapondohan ang pagsasanay at paghahanda ni Verdeflor sa Youth Olympics kung saan target ng Pilipinas na makamit ang kauna-unahang gintong medalya.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *