Friday , November 15 2024

Obama visit sinisi sa demolisyon

Sinimulan na ang demolisyon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) sa mga bahay sa  Road 10, pinaniniwalaang paghahanda sa pagbisita ni US President Barack Obama, na nagsimula sa kanto ng Zaragoza St., Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director Butch Canlas, ang demolisyon ay bahagi ng paglilinis ng mga sagabal sa nasabing kalsada na kinatatayuan ng bahay ng ilang pamilya.

Matatandaang sinabi ng grupong Kadamay na ang demolisyon sa Road 10 ay paghahanda sa pagdating ni US President Barack Obama sa Abril 28.

Ayon kay NHA Tondo Foreshore Estate Management officer-in-charge Rose Nartates, apektado ng demolisyon ang 500 pamilya.

Tiniyak ng opisyal na may paglilipatan sa mga apektadong pamilya sa Trece Martirez, Cavite na tinututulan ng mga apektadong residente.

Giit ng opisyal, nagbigay sila ng 30-day notice sa mga residente at nitong Abril 14, nagsimulang magbigay ng 7-day notice bago ilarga ang demolisyon na binantayan ng 100 Civil Disturbance Management (CDM) units ng Manila Police.

About hataw tabloid

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *