Monday , December 23 2024

Napoles ‘tumuga’ kay De Lima

042314_FRONT

NAGSALITA na kahapon ang itinuturong utak ng multi-billion peso pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kaugnay sa mga nalalaman sa kinakaharap na kontrobersyang kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista.

Ito ang kinompirma ni Department of Justice (DoJ) Sec. Leila De Lima makaraan ang kanilang pagpupulong na inabot ng limang oras habang nasa Ospital ng Makati si Napoles kahapon.

Ayon kay De Lima, kinunan na nila ng salaysay si Napoles dahil siya mismo ang may gusto bago isalang sa operasyon para tanggalin ang myoma sa kanyang uterus.

Dagdag ng kalihim, bago pa man ang Semana Santa ay nagpadala na ng feelers si Napoles at sinabing handa na siyang magsalita sa isyu ng pork barrel scam kaya’t kinunan na nila ng salaysay.

“I came to see on her request. Nagpadala siya ng feelers before the Holy Week and sabi niya she’s ready to speak up. She’s ready to tell all and would execute an affidavit kaya kinunan namin siya ng statement ngayon. I agreed to talk to her on those conditions that she would tell all that she knows about the PDAF (Priority Development Assistance Fund) scam,’’ saad ni De Lima.

Ngunit nilinaw ng kalihim na hindi siya nagbigay ng katiyakan kay Napoles na gagawing state witness ang negosyante dahil kailangan pang pag-aralan ang kanyang affidavit.

Sinasabing mismong si Napoles ang nagpumilit na makausap si De Lima at maghain ng salaysay bago ang kanyang operasyon.

“When you go through a medical procedure anything can happen. That’s why she insisted, she really pleaded to talk to me,” wika pa ni De Lima.

Gayonman, hindi pa isinapubliko ni De Lima kung ano ang nilalaman ng salaysay ni Napoles kaugnay ng multi-billion peso pork barrel scam.

JPE, BONG, JINGGOY IDINIIN

KINOMPIRMA ni Janet Lim-Napoles ang pagkakadawit ng tatlong senador na una nang kinasuhan ng plunder sa Ombudsman, sa multi-billion peso pork barrel scam.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima, sa pag-uusap nila kamakalawa ng gabi sa Ospital ng Makati, idinetalye ni Napoles ang kinalaman nina Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile, Sens. Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Gayonman, tumanggi nang magdetalye ang kalihim sa mga pinag-usapan nila at maging sa nilalaman ng sworn affidavit ng tinaguriang pork barrel queen.

Inihayag ni De Lima, napakaraming ibinunyag ni Napoles sa pagharap nila bagama’t naniniwala siyang mas marami pang impormasyon ang makukuha nila kaya haharap pang muli ang negosyante sa National Bureau of Investigation (NBI) investigators at mga kinatawan ng DoJ.

Paliwanag ni De Lima, bahagi ng kasunduan nila ng kampo ni Napoles na hindi isasapubliko ang nilalaman ng affidavit  hangga’t hindi natatapos ng DoJ at NBI ang pag-evaluate sa kanyang sinumpaang salaysay.

Kinompirma rin ni De Lima na gustong maging state witness ni Napoles sa pork barrel scam.

PNOY DUDA SA ‘KANTA’ NI NAPOLES

INIUTOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na araling mabuti at suriin ang mga sinasabi ni Janet Lim-Napoles kaugnay sa P10 billion pork barrel scam.

Sinabi ni DoJ Sec. Leila de Lima, nais ni Pangulong Aquino na timbangin ang mga pahayag ni Napoles at huwag basta paniwalaan agad.

Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na mukhang malabong “least guilty” si Napoles at paanong magiging state witness kung siya ang lumalabas na sentro ng eskandalo.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *