Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagpapakilalang kolektong ni Laguna PD Sr. Supt Sapitula, nagkalat!

Ang tikas naman ng isang alyas ROLAN  RECO para kaladkarin ang pangalan ni Sr. Supt. Romulo Sapitula, director ng Laguna PNP sa tong collections sa mga iligalista ng probinsiya ng Laguna.

Si RECO na ayon sa ating mga sources ay isa ring pulis na lahing tulisan ay panay at maya’t maya ang ikot sa buong lalawigan ng Laguna upang ipangulekta ng “payola” ang kanyang PD na si Sapitula mula sa mga bahay aliwan cum putahan, illegal gambling dens at mga tulak ng droga.

Ultimo mga videoke joints at small-time na beerhouses ay di pinapatawad nitong si RECO. Ni-recruit pa ng tarantado ang isang AWOL na tulisan este pulis din na si VIC VARRION.

Dahil sadyang malawak ang probinsiya ng Laguna, bumuo ng grupo ang dalawang ogag na sina RECO at VARRION.

Kinuha ng mga ito bilang mga kolektor sina alyas Eric Bisaya  BOLD SHOW, Mac DVD Mac, Rene 1602  at Bert na mistulang asong gala ng dalawang police scalawags.

Lingguhan ang timbreng kinukolekta nina RECO at VARRION para umano at kuno kay Colonel Sapitula.

Pati ang ilang tiangge ng shabu ay sakop din ng tabakuhan ng RECO – VARRION tandem. Ang hindi maghatag ay tiyak na huhulihin ng grupo naman ng isang pulis na may bansag na “LABRADOR” team lider sa collection.

Ilan sa mga suking pilipitin at paduguin ng mga nagpapakilalang bagman “KUNO” ni Colonel  Sapitula ay ang JONBORY, MAJESTIC, DISCOVERY, 808 Videoke Bar,  AURORA BARRACKS at SREET OVERNIGHT na pawang nasa Binan; EL MARINGOS,DISCOVERY 2, BOBBORY at MISS EYE 1 nasa Calamba City.

May koleksyon din ang grupo mula sa MISS EYE 2 sa San Pablo na pag-aari ng isang pulis na kilala sa bansag na El Bamba.

Lahat ng bahay-aliwang ito ay may bold shows, bar fine at may VIP rooms na nagsisilbing “katayan”.

May lingguhan ding koleksyon sa mga bookies ng STL na pag-aari nina Edwin Olazo alyas Tose ng San Pablo, Ed reyes ng Binan, ang pamosong si alyas TITA ng Calamba at Sta. Rosa, pulis na si NATO OPENA, Lawrence Masonsong, Dave Abcede,  Kune  jueteng  fajardo  ng calamba City; Edwin Ramos ng Los Banos, Calauan at Victoria, Laguna, Umbay at ang pulis ng Sta. Cruz, Laguna na si JAY B at si Osel karatian.

Nagkalat din ang mga makina ng video karera sa Sta. Cruz, kabisera ng probinsiya at sa San Pablo City at Binan city na pag-aari nina Dazo ex-policeDecena at Umbay. Kay alyas Abel Marquez ang mga makina naman ng VK sa San Pablo.

May puwesto pijo rin ng sakla  patay si alyas Robot ng binan at  Sta. Rosa.

Nasa San Pablo naman ang mga sikat na shabu tiangge at drug dens na pasok din sa network nina Barrion at Reco.

PNP Chief, Director General Alan Purisima, dapat pa bang panatilihin sa kanyang puwesto itong si Sapitula? Tanong na hindi na dapat pang maghintay ng kasagutan.

Marapat lamang na magtender na ng kanyang courtesy resignation itong PD ng Laguna out of delicadeza.

”Yan ay kung may natitira pang hiya at dangal sa katawan ang dating pulis patola na si VIC VARRION ? sino si  tata Rudy Abion , Nano at Bong Sola  sa Rizal province…

May kasunod…

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …