INAASAHANG dadagsa ang tinatayang aabot sa 1,000 kababaihang atleta at sports enthusiasts sa World Trade Center sa Pasay City bukas para sa kauna-unahang Women’s Martial Arts Festival.
Layuning makahikayat ng mga Pilipina na sumali sa sports, ang one day event na tatakbo mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Magsisilbing demo sport at tatampukan ng kompetisyon at clinics sa 10 contact sports na kinabibilangan ng arnis, fencing, judo, karatedo, muay thai, pencak silat, taekwondo, wrestling at wushu.
Sinabi ng dati ring Olympian at Southeast Asian Games gold medalist sa swimming na si Akiko Thompson-Guevara na pagkakataon rin ito upang makahanap ng mga posibleng mahasa para sa mga international competitions.
(ELECH DAWA)