Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, mas tututukan ang singing career at paggawa ng kanta

ni  Nonie V. Nicasio

NAG-CELEBRATE ng 22nd birthday si Marion Aunor noong April 10 at inusisa namin siya kung ano ang kanyang birthday wish. Ayon sa dalaga ng dating teenstar na si Ms. Maribel Aunor, kabilang sa wish niya ay ang matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.

“My wish is just to have a life full of genuine people, love from friends and family, and to see my dreams come true,” saad ng talented na singer/composer.

Isa si Marion sa naging finalists sa katatapos na VJ search sa MYX, although hindi siya pinalad na manalo rito , nakatutuwa ang kanyang pagiging positive lalo na pagdating sa kanyang showbiz career.

Sinabi ni Marion na kahit hindi siya sinuwerteng maging VJ, sobra raw siyang natuwa sa experience niyang ito.

“Yes, nag-enjoy naman po ako sa competition. I think it was a great learning experience and I love that. I also got to have a new set of friends, sila iyong the other finalists and behind the scenes people of MYX. I’m just glad I was given the opportunity.”

Idinagdag pa ni Marion na balak niyang mas magfo-focus ngayon sa kanyang first love, ang musika.

“Now, I think I’m going to refocus on my first love which is music… especially since nag-click po yung aking dalawang composition na Do Do Do and Take A Chance dahil na feature siya sa debut ni Kathryn Bernardo.”

Ang tinutukoy ni Marion dito ay ang kanyang komposisyon na Do Do Do atTake A Chance, ang naturang mga kanta na kabilang sa self-titled album ni Marion ay ginamit na music sa ipinalabas na TV special ni Kathryn noong ipagdiwang ng teenstar ang kanyang debut o 18th birthday.

Actually, maraming nakapanood sa TV special na ito ni Kathryn ang nagandahan sa kanta ni Marion. Na ang ibig sabihin, kailangan lang na ma-promote nang husto ang mga kanta ni Marion para mas maging aware ang publiko kung gaano ito kaganda o kasarap pakinggan.

Ibig sabihin ba ng magpo-focus sa music ay gagawa ka ulit ng magagandang kanta?

“Well gusto ko po talaga i-promote yung two songs ko na ‘yun, at the same time, natapos ko na rin po ‘yung first Filipino song na nasulat ko.

“Hopefully I’ll be recording it soon… I’m still planning kung ano po iyong best move for me right now.”

MAJA SALVADOR, ‘DI MAKAPANIWALANG RECORDING ARTIST NA SIYA

AMINADO si Maja Salvador na hindi siya makapaniwala na mayroon na siyang sariling album. Ang title ng album ni Maja ay Believe at sobra siyang natutuwa dahil sa magandang feedback sa kanyang single na pinamagatang Dahan-Dahan.

Sinabi ni Maja na pangarap niya talagang maging total performer na hindi lang kumakanta o sumasayaw o umaarte.

Sa kabilang banda, ipinahayag din niyang ready siya sa ilang bumabatikos sa kanyang pagiging singer.

“Sobrang ano, tanggap ko na iyan, saka expected ko na iyan kasi nakikita nila ako sa ASAP sayaw ng sayaw and then biglang magugulat, ‘Bakit?’

“Pero sana bigyan nyo ako ng chance, kasi as an artist po ‘di ba, ikaw mismo mag-e-explore ka at magta-try ka ng ibang talent na puwede? Isa akong example na naniniwalang believe and it will happen ‘di ba? Para sa akin, sa buhay kung paniniwalaan mo iyong pangarap mo at hindi mo bibitawan, mangyayari at mangyayari iyon,” saad pa niya sa isang panayam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …