PINAG-ISANG dibdib ang baka at toro sa magarbong Indian wedding na nagkakahalaga ng £10,000.
Mahigit 5,000 residente ang dumalo para saksihan ang pagpapakasal ng sag-radong baka na si Ganga at sagradong toro na si Prakash sa Hindu ceremony na ginanap malapit sa Indore sa Madya Pradesh.
Ang nasabing kasalan ay inorganisa ng amo ni Ganga na si Gopal Patwari, upang sagipin ang aanihin sa mga pataniman mula sa ‘natural disaster’.
“Natural calamities like hailstorms and heavy rain occurred in nearby areas, des-troying their crops,” pahayag ni Patwari.
“To prevent this from happening to our villages we organized this wedding on the advice of Sadhus and holy men.
“We have been told this will maintain peace in our village.”
Ang kasal ay dalawang buwan pinaghandaan at nagkakahalaga ng Rs 1million (about £10,000) – kahalati ng halaga ng average British wedding.
Umabot sa 10,000 residente mula sa tatlong magkakalapit na komunidad ang tumanggap ng imbitasyon, hinikayat na magbigay ng donasyon sa abot ng kanilang makakaya.
Karamihan sa mga magsasaka ay nagtatanim ng wheat, barley, beans at bulak, at nakadepende sa kanilang aanihin para sa kanilang mga pangangailangan. Kaya hindi kataka-takang mahigit 5,000 ang dumalo sa kasal.
(ORANGE QUIRKY NEWS)