Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong karelasyon ng sikat na diva, matrona killer

ni  Peter Ledesma

Bulong ng isang malapit na informant, matrona killer raw ang bagong karelasyon ngayon ng sikat na Diva. Yes, bukod sa pinakasalan noon at ina ng kanyang mga anak na nakahiwalayan na, na-ging dyowa rin daw ng pinag-uusapang lalaki ang sikat na singer-actress na dekada ng hiwalay sa kanyang mister na concert performer. Bago ang chikang ito, dahil wala  pa naman inaamin si nasabing singer na naging boyfriend niya ang Papa ngayon ng respetadong Diva. Saka, ang alam namin mahilig sa bagets ang nasabing babae pero pumatol rin  pala siya sa may edad. Sa tanong kung nahiga ba sa salapi si singer-actress noong mga panahong karelasyon niya ang tinutukoy nating guy? Sabi hindi naman daw at ‘yung mga connect pa ang nagamit. Kasi nga kilala sa kanyang larangan kaya marami ang nagtitiwala at bilib sa kanya. May isa pang girl na binanggit ang ating kausap at naging siyota rin daw ng lalaking special ngayon sa buhay ng maganda at  sexy Diva. Ramdam ng ating impormante hindi rin magtatagal ang relasyon ng dalawa at magkakahiwalay rin sila.

Well, let’s wait and  see na lang gyud!

Adrian At Nicole Mahuhuli Na!

ANGEL LOCSIN, KINIKILABUTAN SA MGA EKSENA SA “THE LEGAL WIFE”

Mismong si Angel Locsin ay napapabilib sa mga mapupusok na eksena at matatapang na linyang itinatampok nila sa pinakasinusubaybayang ‘TV affair’ ng ABS-CBN na “The Legal Wife.” “Kakaiba ang mga linya na sinusulat ng mga writer namin. Kahit kaming mga artista ay kinikilabutan kahit pagkatapos naming gawin ang mga eksena,” ani Angel na kilala na ng mga manonood bilang si Monica Santiago-De Villa, ang misis ni Adrian (Jericho Rosales) na may lihim na relasyon kay Nicole (Maja Salvador). “Maganda si-yang panoorin ng mga mag-asawa at kahit ng mga mag-boyfriend pa lang. Mara-ming nakare-relate na viewers sa characters namin. Ako mismo ay maraming  natututunan sa show katulad ng paano i-handle ang pagseselos,” paliwa-nag ng Kapamilya actress. Bagama’t nauunawaan ang mga manonood na naiinis at nanggigigil kina Adrian at Nicole, nilinaw ni Angel na walang ibang hangarin ang kanilang teleserye kundi ang makapagbahagi ng isang istoryang ka-pupulutan ng aral. “Hindi naman tayo nandito para manghusga. Nandito ang ‘The Legal Wife’ para maghatid ng isang magandang kwento na magbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga pamilyang dumaraan sa pagsubok,” pahayag ni Angel. Magaganap na sa Miyerkoles at Huwebes (Abril 23 at 24) ang pinakahihintay na komprontasyon nina Monica, Adrian at Nicole kaya huwag palampasin ang most followed ‘TV affair’ ng bayan, “The Legal Wife” pagkatapos ng “Ikaw Lamang” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang opisyal na website ng programa sa www.thelegalwife.abs-cbn.com at ang social networking sites na Facebook.com/thelegalwife2013, Instagram.com/iam_thelegalwife,  at Twitter.com/IAmTheLegalWife.

MAKI-SELFIE SA EAT BULAGA AT MANALO ARAW-ARAW NG 5 K AT PERSONALIZED JACKET & SHIRTS

Usong-uso ang selfie kahit saan, at  kung ano-anong gadgets na ang naglalabasan para sa mahihilig sa selfie shots. S’yempre  ang ating Dabarkads lalo na ang avid viewers ng Eat Bulaga ay hindi pahuhulli pagdating d’yan. Sa katuna-yan araw-araw ay padami nang padami ang mga sumasali sa Eat Bulaga Selfie Selfie. Para maka-join ay manoood sa Eat Bulaga, at abangan ang announcement o instructions ng EB host kung anong post ang dapat ninyong gawin. Kapag alam mo na aba’y agad na i-post ang pinakamaganda mong selfie picture sa Official Facebook Fan Page ng Bulaga, sa kanilang Twitter at Instagram Account at may chance kayo to win cash prize, personalized  EB jacket at t-shirt. Everyday ay may isang mananalo ng 5K and jacket at lima ang puwedeng magwagi ng 1K each at shirts. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, kapag wala kang ginagawa sa house, open na ang camera sa cellphone o anomang gadget at kunan ang sarili at malay ninyo, kayo na ang susunod na winner sa pakontes na ito ng Eat Bulaga.

By the way, makikita ang listahan ng lahat ng winners sa mismong FB account ng EB at magdala lang ng valid ID sa pag-claim ng inyong premyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …