PINAGHANDAAN ng Alaska Milk at Meralco ang resbak ng mga kalaban sa magkahwalay na Game Two ng best-of-three quarterfinals ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Makakatunggali ng Aces ang San Mig Coffee sa ganap na 5:45 pm samantalang maghaharap uli ng Bolts ang Rain Or Shine sa 8 pm main game.
Tinalo ng Alaska Milk ang San Mig Coffee, 86-77 at naungunsan ng Meralco ang Rain or Shine, 94-91.
Ayaw na nina coaches Luigi Trillo at Paul Ryan Gregorio na dumaan pa sa sudden-death Game Three kung kaya’t itotodo na ng Aces at Bolts ang kanilang makakaya mamaya.
Sa dakong huli ay nalimita si Mays sa 18 puntos kumpara sa 21 ni Alaska Milk import Rob Dozier.
Makakatuwang naman ni Dozier sina Cyrus Baguio, Calvin Abueva, JVee Casio, Joaquim Thoss at Dondon Hontiveros.
Umaasa si San Mig Coffee coach Tim Cone na matutulungan nina James Yap, Peter June Simon, Joe DeVance at Marc Pingris si Mays.
Hangad ng Meralco na makarating sa four-team semis sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang lumahok sa PBA. Nakaabot sila sa yugtong iyon sa isang torneo kung saan lima ang naging semifinalists.
Gumawa ng 30 puntos si Darnell Jackson at nagdagdag ng 27 si Gary David upang tulungan ang Bolts sa Game One.
Nakapagpahinga naman ang Rain or Shine kung kaya’t magiging mas matindi ang kanilang performance mamaya. Magugunitang dumaan sa overtime ang Elasto Painters bago tinalo ang Barangay Ginebra, 105-101 noong Linggo. Nakalaban nila ang Meralco wala pang 24 oras ang nakalilipas.
Si Devon Wayne Chism ay nagtala ng 27 pu ntos sa Game One. Nagdagdag ng 15 si Paul Lee at tig-10 sina Ryan Arana at Chris Tiu.
Umaasa si coach Joseller “Yeng’ Guiao na makakabawi sa masagwang performance sina Gabe Norwood, Beau Belga at Jeff Chan.
(SABRINA PASCUA)