Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, excited sa kasal ni Bianca sa December

ni  Rommel Placente

SA December ng taong ito ay ikakasal na si Bianca Gonzales sa boyfriend niyang cager na si JC Intal. Malalapit na kaibigan ni Toni Gonzaga sina Bianca at Mariel Rodriguez na nauna nang nag-asawa na misis na ni Robin Padilla.

Ang tanong ng marami, kailan naman daw kaya maiisipan ni Toni na lumagay na rin sa tahimik?

“Ang akala nga nila ako ‘yung mauuna sa aming tatlo. Nararamdaman ko naman na ako ‘yung last. Darating tayo roon. Nararamdaman ko naman siya, pero ayaw kong i-rush,” sabi ni Toni sa interview sa kanya ng ABS-CBN News.

Dagdag pa ng actress/TV host, naghihintay lang siya for God’s perfect time. Basta excited daw siya sa kasal ng kanyang kaibigang si Bianca.

“Kahit wala akong participation, kahit mag-attend lang ako, sabi ko kay Bianca, gustong-gusto ko lang makita na pagbukas ng door, naka-gown siya ng puti. Baka maiyak ako talaga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …