Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatay patay sa boga ng parak (2-anyos anak kritikal)

PATAY agad ang 38-anyos lalaki nang pagtulungang gulpihin at barilin ng pulis at kainuman ng huli, na grabe sa pagamutan ang 2-anyos anak ng biktima,  sa Sampaloc, Maynila, iniulat kamakalawa.

Dead on the spot ang biktimang si Brendo Atibula , sanhi ng tama ng bala ng di batid na kalibre baril sa dibdib habang nabagok sa ulo ang 2-anyos niyang anak, si Mat Atibula, kapwa  ng 304 Mabini st., Sampaloc.

na inoobserbahan  ngayon sa Ospital ng Sampaloc.

Arestado ang suspek na si P03 Salvador Nepomuceno, Jr.,  42,  nakatalaga sa Directorate for Operations ng PNP Camp Crame, at residente ng 300 M.F Jhocson st.,  Sampaloc, at ang  sinasabing nakaalitan ng biktima, si Raymundo Florentino, na isinuko ng kanyang abogado.

Tinutugis ng pulisya ang isa pang suspek na hindi pa tukoy ang pangalan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:00p.m. nang maganap ang pamamaril sa tapat ng # 1319 Lardizabal  malapit sa kanto ng MF Jhocson,  Sampaloc.

Ayon kay Gillian Atibula, kapatid ng biktima, naglalakad ang kanyang kapatid kasama ang dalawang taong gulang  anak sa Lardizabal st., nang biglang pagtulungang gulpihin, hampasin ng bangko ng suspek ng kanyang mga kainuman ang biktima saka binaril.

Sa nasabing insidente ay nabagok ang ulo ng dalawang taong gulang na si Mat na inoobserbahan  ngayon sa nabanggit na ospital. (leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …