ANG mga solusyon sa high EMFs ay madali lamang – gumamit ng battery operated alarm clock imbes na electrical, huwag ilalapit sa inyong katawan ang inyong cell phone habang natutulog.
Ang ilang solusyon ay maaaring kailangan ng pagsusumikap at panahon, ngunit ito ay mas mainam na opsyon upang hindi humina ang inyong immune system at hindi dapuan ng mga sakit.
Ang damaging effect ng EMF pollution ay mataas. Bagama’t ang exposure sa high EMFs ay scientifically linked sa iba’t ibang klase ng sakit, matagal bago makita ang mga epekto nito sa pisikal na katawan. May mga tao na agad mararamdaman ang negatibong epekto, ngunit sa mga malalakas ang immune system, matagal bago ito maramdaman.
Bawasan ang exposure sa high EMFs sa tatlong pamamaraan:
*Ang EMF field ay humihina kung malayo mula sa source, kaya halimbawa, kung may lugar na maaa-ring mapaglipatan ng home office, ilagay ito sa lugar na malayo sa bedroom kung posible.
*Bawasan ang paggamit ng electrical equipment na malapit sa inyong kama, gayundin sa mga lugar na madalas kayo manatili. Itanong sa sarili: Kailangan ko ba palagi ang wireless? Kailangan ko ba ng cell phone habang nasa bahay? I-re-rout ang cell calls sa inyong home phone at patayin muna ang wireless kung hindi ginagamit.
*Pumili ng high quality EMF protection devices para sa inyong bahay o opisina. Maraming EMF protection products sa merkado, mag-research at pumili ng EMF protection products na nababagay sa inyo.
Lady Choi