Gud pm po sir,
My kaaway po ako hangan sa panaginip sinusundan ako tapos biglang sumakit ang ngipin ko bigla po ako nagising dahl sa subrang sakit pero nung nagising po ako hnd naman po msakt ngipin ko anu po kya ibig sbhn,ng panaginip ko (09077413300)
To 09077413300,
Kung napanaginipan ang kaaway, ito ay nagre-represent ng magkasalungat na idea at contradictory attitudes. Ikaw ay maaaring nasa denial stage ukol sa ilang bagay o kaya naman, ikaw mismo ang rume-reject sa isang tao. Ang nakitang kaaway sa panaginip ay maaari rin namang nagre-represent sa kaaway within yourself at ang inner conflict na mayroon ka sa iyong sarili. Ikonsidera ang phrase na “I am my own worst enemy.” Maaaring ito ay isang paraan din upang maalis ang ilang aspeto ng iyong pagkatao na hindi mo gusto. Kung nakita naman sa iyong bungang-tulog na hinaharap mo ang ilang suliranin sa mga kaaway mo, ito ay nagre-represent ng kagustuhang maresolba ang ilang inner conflict o problema sa estadong ikaw ay gising.
Ang tungkol sa ngipin ay kabilang sa tinatawag na most common dreams. Isa sa teorya ng ganitong uri ng bungang-tulog ay ukol sa iyong agam-agam hinggil sa itsura at kung ano ang pananaw sa iyo ng iba. Tayo ay nasa mundo na ang ating anyo o appearance at attractiveness ay mahalaga at ang iyong mga ngipin ay nakatutulong ng malaki sa bagay na ito. Ang mga ngipin ay may mahalagang papel din na ginagampanan sa game of flirtation, ito man ay pagpapakita ng iyong pearly white teeth, kissing, o necking. Kaya maituturing na ang ganitong panaginip ay nagmumula sa fear of rejection, sexual impotence o ang consequences ng pagtanda. Sa isang pagsasaliksik, napag-alaman na ang mga kababaihan na nasa menopause stage ay madalas na nananaginip ng ukol sa ngipin. Kaya nagpapakita ito ng koneksiyon na ang panaginip sa ngipin ay sadyang may kaugnayan sa pagtanda at/o pakiramdam ng pagiging unattractive at less feminine. Isa pang paliwanag sa ganitong panaginip ay maaaring nag-ugat sa takot na mapahiya o magmukhang katawa-tawa sa ilang pagkakataon. Ito ay over-exaggeration ng iyong worries at anxieties, dahil marahil hindi ka handa sa mga dumarating na pagsubok sa iyo. Ang ipin ay ginagamit din sa pagkagat, pagnguya at pagngatngat, kaya sa puntong ito, ang ngipin ay nagre-represent ng kapangyarihan o power. Kaya maaari rin namang ang panaginip sa ngipin ay nagsasaad ng pakiramdam ng suliranin sa power o kapangyarihan. Mayroon din namang scriptural interpretation ukol sa bad o falling teeth na nagsasaad na inilalagay mo ang iyong faith, trust, at beliefs sa iniisip o sasabihin ng mga tao, imbes na sa word of God. Sa Greek culture, kapag nanaginip ng maluwag o umuugang ngipin, sira o nawawalang ngipin, ito ay maaaring nagsasaad daw na may isang miyembro ng pamilya o malapit na kaibigan ang may malubhang sakit o kaya naman, nasa bingit ng kamatayan. Ang panaginip mo ay maaari rin namang babala ukol sa negosyo o pagkakaparehan at hinggil din sa iyong kalusugan. Maaaring napapabayaan mo ang mga bagay na ito at kailangan ang lubos na pagbibigay mo ng iyong oras o pagtutok sa iyong health.
Señor H.