Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo Avelino, binasted ni KC kaya luhaang umuwi ng ‘Pinas (Piolo at Shaina, isang taon nang mag-on)

ni  Roldan Castro

MAY bago ba sa lovelife ng dating magkasintahan na KC Concepcion at Piolo Pascual?

True ba na basted si Paulo Avelino kay KC? Si Piolo naman ay mahigit na raw na isang taon na karelasyon si Shaina Magdayao.

Anyway, bagamat pinuntahan sa New York ni Paulo si KC ngayong Holy Week, nag-bonding naman sila. Tila na-introduce ni KC si Paulo sa circle of friends nito.

Pero ang nakaiintriga ay ‘yung post ni KC sa kanyang Instagram Account na anino lang nila nila Paulo ang makikita. May caption ito na, ”Our roads are gonna cross again. It doesn’t really matter when.”

Bahagi ito ng lyrics ng kanta ni Barry Manilow na Somewhere Down the Road.

Kung pagbabasehan ang comments ng fans sa IG, ang interpretation nila sa caption na ‘yun ay luhaang umuwi sa ‘Pinas si Paulo. Ibinase ito sa lyrics ng kanta na we have the right love at the wrong time.

May comment pa kaming nabasa na ”Wise decision, wise move…. U deserve someone who will make u a princess!!”

May nabasa pa kami na galit si Paulo kay KC kaya in-unfollow daw niya si KC sa Instagram at Twitter. Pero noong i-check namin, hindi naman totoo. Naka-follow pa rin sa IG si Paulo kay KC.

Nagdidiskusyon pa ang fans na paasa raw sa manliligaw si KC pero may nagtatanggol naman sa kanya na kahit kailan hindi nagpaasa si KC sa mga manliligaw. Pursigido lang talaga ang mga suitor kahit anong tanggi niya. May mga alinlangan pa raw si KC at may fear factor pagdating sa usaping pag-ibig.

Pero kung ibabase sa mga nakaraang posts ni KC na lagi siyang pinasasaya ni Paulo, parang ang basa namin ay simpleng long distance love affair ang nangyayari at hindi niya alam kung kailan magkikita ulit. May mga nagsasabi rin kasi na very much in love ang dalawa.

So, ano ang real score kina Paulo at KC? Tanging Diyos lang ang nakaalaam.

Ha!ha!ha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …